• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Rhian Ramos

Jolo Revilla nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Rhian Ramos

Si Rhian Ramos ang bagong leading lady ni Jolo Revilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/25/2018 10:37 AM
Jolo Revilla nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Rhian Ramos


 

Hindi naiwasan na mapag-usapan ang estado ng buhay pag-ibig ngayon ng aktor na si Jolo Revilla.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The “Tres” cast are here with Direk Richard Somes! #TresGrandMediaCon #TresMovie

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

Sa naganap na media conference mag pelikulang Tres ng Imus Productions at ABS-CBN Cine Screen, inasahan na daw ng actor-politician na mapag-usapan ito lalo na ngayon na nadidikit ang kanyang pangalan kay Rhian Ramos.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Denise, wag ka makulit, kinikilig ako.” LOL. #tres #72hours

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

 

“Single ako, single din siya,” tugon ni Jolo sa entertainment press.

“Kayo talaga, huwag na natin bigyan ng kulay, we’re good fiends. Pero hindi niyo din naman masisi, maganda siya, mabait… Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?” sabi ni Jolo.

Ayon pa sa actor-politician, wala muna umano sa prioridad niya ngayon ang muling pasukin ang isang relasyon.

“Siyempre, sa bawat mga pinagdadaanan namin sa buhay mas magandang dahan-dahanin natin huwag natin mamadaliin kung ano man. Kasi siyempre kakahiwalay ko lang kakahiwalay lang niya, siguro hindi naman imposible. We’re good friends,” pahayag pa ni Jolo.

Gaya ni Jolo, inasahan na din ni Rhian na maitatanong sa kanya ang kanyang pagkakaugnay ngayon kay Jolo na kanyang kapreha sa pelikula.

“Ine-xpect ko din naman na ma chismis hindi naman ako nagulat, hindi naman ako nagulat part na siya ng trabaho ko (Showbiz),” tugon niya.

“Nung nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko ‘ay ito na yun marami ng magsasabi na may kinalaman ako, pero ayun part lang siya,” pahayag pa ng aktres.

Kamakailan, naging laman ng mga balita ang naging hiwalayan ni Jodi at Jolo matapos ang ilang taon ng pag iibigan.

Read: Did Jodi Sta. Maria and Jolo Revilla break up?