• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo, Luigi, and Bryan Revilla react to dad Bong’s absence in their movie ‘Tres’

Jolo, Luigi, and Bryan Revilla react to dad Bong’s absence in their movie ‘Tres’

Jolo, Luigi, and Bryan Revilla talk about dad Bong spending another birthday in jail.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/25/2018 9:28 AM
Jolo, Luigi, and Bryan Revilla react to dad Bong’s absence in their movie ‘Tres’


Photo credit: bomboradyo.com (R)

 

Birthday ni Bong Revilla ngayong Martes, September 25, kaya hindi naiwasang matanong sina Jolo, Luigi, at Bryan sa presscon ng action trilogy movie na pinagbibidahan nila—ang Tres—kung ano ang nararamdaman nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalaya ang tatay nila sa Camp Crame at don na naman ito magbi-birthday.

Reaksyon ni Bryan, “Sana kasama namin siya ngayon dito. For the past few films that we did with Imus Productions, kasama namin lagi siya, eh. And the fact na hindi namin siya kasama, medyo iba ’yung feeling.”

Dugtong pa niya, “And four years na rin din siya sa loob ng Camp Crame, of course, malungkot. Pero even though na kahit malungkot, you know, we still have high spirits knowing the fact na we know one day, everything’s going to get better.”

Para naman kay Luigi, kahit nakakulong ang kanilang ama, hindi raw naman ito nagkulang ng suporta sa kanilang magkakapatid lalo na habang ginagawa nila ang Tres.

“Since day one, nandu’n siya. From the scriptwriting, he approves everything. Although siyempre, hindi niya pwedeng makita lahat kasi siyempre, bawal naman mapanood ’yung movie, pero kinukuwento na lang namin and ng mga directors kung paano ba ang istorya, how everything’s going and proud naman siya sa amin.

“And never siyang nagkulang sa amin. He was there to support us since day one. And we’re just really happy and blessed that he gave us the opportunity to topbill in our own movie,” lahad ni Luigi.

Para naman kay Jolo, may panghihinayang siya na hindi nila nakasama sa pelikula ang dating senador.

“Mas maganda ’tong pelikulang ’to kung siyempre kasama namin si Bong Revilla,” sey pa niya. “Kumbaga, ginawa namin ’to para sa kanya, and of course, para makatulong din tayo sa industriya ng aksyon dito sa movie industry.

“But of course, wala kaming masasabi sa kanya. Dahil ultimo nga sa paggawa ng script, halos every week, pinapupunta niya do’n ’yung mga scriptwriters saka mga directors. Ganu’n siya katututok. Hanggang sa huli.

“At siyempre, si Tito Marlon (Bautista, kapatid ni Bong), lagi rin niyang pinapapunta sa Crame para itanong kung kamusta ba ’yung editing, kamusta ’yung sa ganun’g eksena kasi talagang tinitingnan niya lahat ’yung bawat eksena kasi hindi niya pwedeng mapanood,” kuwento pa niya.

Ayon pa kay Jolo, matutuwa sigurado ang kanilang ama sa kakalabasan ng Tres kapag napanood niya ito balang araw.

“Isang malaking sorpresa ito para sa kanya dahil sobrang ganda ng pelikula at pinaghirapan ng lahat ng nagtrabaho para rito and of course, most especially, the directors,” wika pa niya.

“In due time, alam namin na malapit na ’yun. Ayaw lang naming siyempreng pangunahan ’yung husgado. But we all know. Lumabas na ’yung dapat lumabas at lumabas na rin ang katotohanan. Prayers na lang,” dugtong pa ni Jolo.

Eh, ano ba ang birthday wish niya para sa ama?

“Kung pwede lang maibalik ‘yung mga oras na nawala, kung pwede lang mabalik dahil siyempre ang tagal niya du’n, eh. Kung paano kami makapag-spend time sa kanya dito sa labas.

“And I’m very sure, if he’s out, he’d be doing a lot of movies,” pahayag niya.

Samantala, ang Tres ay may tatlong episode. Si Jolo ang bida sa 72 Hours, si Bryan naman sa Virgo at si Luigi sa Amats.

Palabas na ang pelikula sa October 3.