Dingdong Dantes tatakbo nga ba sa eleksyon?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/25/2018 6:30 PM
Dingdong Dantes tatakbo nga ba sa eleksyon?


Photo credit to: @dongdantes IG

 

Kasabay ng panibagong blessings sa pamilya ng celebrity couple na sila Dingdong Dantes at Marian Rivera, isang statement din ang inilabas ng aktor sa kanyang Instagram nitong Martes.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Since the text couldn’t fit here, just swipe left to appreciate the whole content. Cheers! 😄

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Matatandaan na kamakailan naging mainit ang pangalan ng aktor na possible umanong tumakbo para sa isang national position sa darating na eleksyon.

Sa nasabing Instagram post, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang pasya na tila hindi isinasara ang kanyang pintuan sa mga posibilidad ng pagkampanya.

Sa kasalukuyan, isang active volunteer si Dingdong ng National Youth Commission at ng Yes Pinoy Foundation at my Yes PH Community Development kung saan siya nahasa sa paglilingkod bayan.

Ayon pa sa naging post ng aktor, prioridad niya ngayon ang gabayan ang kanyang pamilya na unti-unti na ngayong lumalaki at nadaragdagan.

Sa ngayon patuloy ang pagbuhos ng congratulatory message sa social media ng aktor para sa panibagong blessings sa kanyang pamilya.