• Home
  • Fresh Scoops
  • Derrick Monasterio, Sanya Lopez make ‘realistic’ love scenes in Regal Films' ‘Wild and Free’

Derrick Monasterio, Sanya Lopez make ‘realistic’ love scenes in Regal Films' ‘Wild and Free’

Derrick Monasterio at Sanya Lopez, hinubad ang mga wholesome image para sa ‘Wild and Free’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/25/2018 9:38 AM
Derrick Monasterio, Sanya Lopez make ‘realistic’ love scenes in Regal Films' ‘Wild and Free’


Photo credit: @derrickmonasterio/ @sanyalopez on IG

 

Magle-level-up ang acting skills nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez as each of them embrace a more mature and sexier image in the upcoming sexy-romance film Wild and Free ng Regal Entertainment, Inc. na idinirek ni Connie Macatuno.

Hinubad na ng dalawa ang kanilang wholesome image for the film project dahil ni-require sila ng direktor to to do “wild” love scenes.

Sanya admitted that she prepared even before they had their first intimate scene inside the car.

“Hinanda ko na ang sarili ko dito, gustung-gusto ko yung natututo ako and nag-i-improve,” kuwento niya.

Komportable rin daw ang dalaga kay Derrick at wala siyang keber na pag-usapan at gawin ang kanilang intimate scenes.

Ani Sanya, “Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami.”

Ayon naman kay Derrick, “realistic” daw kung ide-describe ang kanilang love scenes ni Sanya sa Wild and Free.

“Makikita ninyo sa mga eksena namin sa movie, the love making scenes are so sexy, I think nagawa namin ‘yun together ng maganda,” pahayag ng aktor.

Patuloy na paliwanag ni Derrick, “Sanya has a sexy character, has seductive eyes and is alluring. Tempting talaga because she has a very pretty face and sexy body.

“Siyempre tayong mga lalaki, tinitingnan natin yan. Naaakit tayo sa physical, then susunod na yung character. Na-attract talaga ako. Hindi na ako nahirapan na gawin sa kanya yung mga eksena, kasi nadala ako sa sexy scenes namin.”

Sa isang love scene, kinailangan ng dalawa na gawin ito sa ibabaw ng washing machine.

“Hindi ko ma-imagine that normal people do that, tapos ‘yung sa car scene marami daw nakarelate,” natatawang sabi pa ni Sanya.

Meanwhile, pinaguusapan sa social media ang controversial trailer of the movie. Netizens are raving to see another side of Sanya and Derrick in their upcoming movie.

Wild and Free tells the story of Ellie, an independent and self-supporting woman, who has had complex relationships with two men. Palabas na ang pelikula sa October 10.