Babalik ba si Alice Dixson sa ‘Ang Probinsyano?’

Paghahanda sa ABS-CBN Ball ibinahagi din ni Alice Dixson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/25/2018 10:45 AM
Babalik ba si Alice Dixson sa ‘Ang Probinsyano?’


Photo credit: @alicedixson on IG

 

Todo paghahanda na ang aktres na si Alice Dixson sa nalalapit na ABS-CBN Ball. Sa tulong ng kanyang glam team at ng napiling designer na si Mia Urquico, handa nang i-achieve ni Alice ang kanyang look para sa grandest kapamilya event.

"Para hindi magkakapare-pareho ang isusuot ko (from other balls)... Siyempre for the makeup, mag-isip kami ng ibang makeup something na patok for this event," kuwento ni Alice sa PUSH at ABS-CBN News nitong Linggo, September 23.

At sa kanyang muling pagrampa sa red carpet ng Kapamilya gathering, looking forward din ang aktres na makisaya kasama ang ilan pang ABS-CBN stars.

"Just to meet the expectations of everybody who's there. The pressure is on the artist kasi we as artists, extensions tayo ng ating kumpanya. We represent ABS-CBN. We always want to look our best," sabi pa niya.

Sa ngayon, napapanood si Alice sa Ngayon at Kailanman.

"Natutuwa ako na naiinis sila at natutuwa ako na hindi nila pine-personal. Mas mature ngayon ang ating audience hindi tulad noon na 'pag gumawa ka ng kontrabida roles galit na sila agad sa 'yo. Happy naman ako and happy din ako sa tinatakbo ng aming show," sabi pa ni Alice.

Ikinagulat din ng aktres ang naging development ng kanyang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sworn in na pala siya! So that automatically means Catherine is first lady now! Although nasa abroad siya first lady na siya! Hindi nga lang natin siya nakikita so abangan na kang kung ano ang mangyayari! (Laughs)” pahayag pa ni Alice.

At sa kanyang dalawang primetime show, thankful si Alice na muling naging busy ang kanyang TV career.

"It's been a long time coming na gusto kong bumalik sa ABS-CBN and it took a long time bago ko naumpisahan ang aking first show, and finally I'm back. I'm very happy na kahit magkaroon ako ng problema man, lagi akong may nalalapitan sa ABS-CBN kaya maraming salamat po!" pahayag pa ng aktres.