• Home
  • Fresh Scoops
  • Sabrina M on making a showbiz comeback: ‘Ngayon iniisip ko balikan na’

Sabrina M on making a showbiz comeback: ‘Ngayon iniisip ko balikan na’

Dating sexy star Sabrina M, nakalaya na at gustong bumalik sa pag-arte.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/24/2018 8:56 AM
Sabrina M on making a showbiz comeback: ‘Ngayon iniisip ko balikan na’


 

Sa Rated K, nakalaya na sa wakas ang dating sexy star na si Sabrina M matapos siyang makulong ng halos dalawang taon sa kasong may kinalaman sa droga. 

Ayon kay Sabrina, nagsimula siyang “tumikim” ng droga noong mayroon na siyang tatlong anak. Dahil na rin daw ito sa napasama siya sa masasamang barkada.

Hanggang sa nauwi ang pagamit niya ng iligal na droga sa isang drug raid noong 2016. Hindi napigilang mapaiyak ni Sabrina nang maalala niya ang gabing yun. 

READ: Former sexy star Sabrina M caught using drugs 

“Yung takot ko sobra-sobra kasi kasama ko ang anak ko. Nakita ko kung paano siya matakot, paano siya sumigaw. Paano niya ako yakapin nun,” kwento ng dating aktres.  

Wala raw nagawa nun si Sabrina kundi yakpin na lang ang mga anak niya. “Niyakap ko lang sila, sorry lang ako ng sorry.” 

Ngayong laya na si Sabrina, balak niyang pumasok muli ng showbiz. “Magta-trabaho agad ako. Kung dati inayawan ko ang showbiz, ngayon iniisip ko balikan na.”