Tuloy-tuloy padin sa pagbibigay karangalan sa bansa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Sa kanyang bagong post sa Instagram, ibinahagi ng former Miss Universe ang kanyang kagalakan bilang unang Pinoy celebrity na nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.
Sa post, naging pagbibiro pa ni Wurtzbach na tila isang magandang birthday gift para sa sarili ang wax figure sa Tusssauds.
Ang Madame Tussauds ay isa sa dinarayong tourist attractions sa Hong Kong.
Bukod kay Pia, ilang sikat na Hollywood celebrities din ang mayroong wax figure sa Tussauds.