• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on how Daniel Padilla is as a kisser: ‘He’s very gentle’

Kathryn Bernardo on how Daniel Padilla is as a kisser: ‘He’s very gentle’

Sa Rated K, Kathryn Bernardo, inamin kung paano humalik si Daniel Padilla.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/24/2018 8:28 AM
Kathryn Bernardo on how Daniel Padilla is as a kisser: ‘He’s very gentle’


 

Sa Rated K, inamin ni Kathryn Bernardo na gulat din siya nang inamin na ni Daniel Padilla ang kanilang relasyon sa publiko pero masaya siya sa mga nangyari. 

“Ang saya na kasi wala ka na limitation masyado, you can share anything. You can share a different story,” sabi ni Kathryn.  

Inamin din niya na pareho silang seloso ni Daniel at ang pinakamatagal na away daw nila ay tumagal ng one week. “’Pag nag-aaway kami, kailangan ko parati ng time. Kailangan ko muna mag-isip-isip and then mag-uusap kami,” dagdag pa ng aktres.  

Ayon din kay Kathyrn, “basta kung sinong may kasalanan, yun yung mag-aayos.” 

Nang tanungin naman kung kumusta si Daniel bilang kisser, kinumpirma ni Kathryn na si Daniel pa lang ang nakakahalik sa kanya at “he’s very gentle.” 

28 years old daw ang marrying age ni Kathryn.

Natanong din ang The Hows of Us star kung pasaway siya bilang anak. 

“Sometimes yes. Hindi ako perfect na daughter… Ang dami mong gustong gawin e... curious kasi. But takot kaming lahat na magkakapatid kay Mama at Papa,” pag-amin nito. 

Pero kahit na daw artista siya ay wala siyang special treatment sa bahay nila. 

“Napapagalitan. Nauutusan, napagsasabihan… and that’s a good thing kasi yun naman yung nagpapa-balance sa akin,” aniya. 

Balak din daw niyang eventually bumukod pero bago yun balak muna daw niyang bigyan ng dream home ang kanyang pamilya.