• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dinumog ng fans sa Jakarta, Indonesia

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dinumog ng fans sa Jakarta, Indonesia

Kathryn and Daniel masaya sa pagdating ng kanilang Indonesian fans sa premiere showing ng 'The Hows of Us' sa Jakarta.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/24/2018 8:21 AM
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dinumog ng fans sa Jakarta, Indonesia


Photo credit: @starcinema on IG

 

Biyernes, September 21, tumulak papuntang Jakarta Indonesia sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa international screening ng The Hows Of Us.

 

Sa kanilang pagdating sa Jakarta Indonesia agad pinagkaguluhan sina Kathryn at Daniel ng Indonesian fans.

Ito rin ang unang pagkakataon na nag-premiere showing ang isang Star Cinema movie sa Indonesia, na isang malaking karangalan sa KathNiel.

 

Bago ipalabas ang “The Hows Of Us” nagbigay muna ng espesyal na mensahe sina Kathryn at Daniel.

Dito, nakabonding din nila ang ilang overseas Filipino workers na sumusuporta sa kanila.

 

At sa pagtatapos ng kanilang pelikula, positibong reaksyon din ang ibinigay ng kanilang Indonesian fans.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"It has a lot of lessons." Thank you so much đź’™ #TheHowsOfUsJakarta #BagaimanaKabarKita

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

 

Inaasahan na mas tataas pa ang box office success ng The Hows Of Us, na lumagpas na ngayon sa 600 million pesos.