• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz, nilait ng netizens dahil sa panghihingi ng concert tiket kay Sandara Park

Ella Cruz, nilait ng netizens dahil sa panghihingi ng concert tiket kay Sandara Park

Sinabi ni Ella Cruz na nagbibiro lamang siya ng i-tweet niya ang K-pop star at dating artista sa Pinas na si Sandara Park.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/24/2018 8:01 AM
Ella Cruz, nilait ng netizens dahil sa panghihingi ng concert tiket kay Sandara Park


Photo credit: @ellacruz/ @daraxxi on IG

 

Matinding panlalait mula netizens ang inabot ni Ella Cruz dahil sa panghihingi niya ng tiket kay Sandara P ark  para sa concert ng Korean girl group na Black Pink.

Si Sandara ay kasama ng Black Pink sa talent agency na YG Entertainment sa Korea. Sa post ni Ella, nag-tag siya kay Sandara sa kanyang tweet na, “penge po ng ticket ng Blackpink Concert please.”

Dahil sa ginawa ni Ella ay na-bash tuloy siya nang bonggang-bongga at tinawag ng  netizens na makapal ang mukha, mahirap, hindi marunong mahiya at kung anu-ano pang masasakit na panlalait.

Burado na ang tweet na yon  ni Ella at nag-apologize na rin siya pero halatang na- shock siya sa panlalait na natanggap.
Ayon kay Ella ay biro lang ang tweet niya na ’yun at hindi niya akalaing seseryosohin ng netizens.

“Hala ang dami ko nababasang tweets about my recent tweet regarding me mentioning Dara about the ticket.. okay so, bale joke po yun. kasi nga 'di ba binigyan niya si Ate Kim ng ticket? as if naman mapansin ako ni Dara, bawal na ba magbiro ngayon? and saying naalala ko lang si Dara.

“I’m just saying that I really want to go to the concert and I really don’t know how to get tickets. yung tweet ko po na yun ay joke joke lang.. don’t take it too seriously... peace tayong lahat. love lang please naman oh.

“I’m not using Dara to get a ticket for real. My gawd peopleeee. Ni hindi nga ako kilala ng tao eh. My recent tweet was a tweet of me being a fangirrrrllllll. 

“Why did I tag Ms. Sandara Park? Kasi nga like narinig ko nga kaninang umaga, Ate Kim Chiu’s ticket was from Ryan Bang na bigay ni Ms. Sandara, now lahat kayo sinasabi na walang hiya at makapal mukha ko, sana 'wag nyo na lang muna sineryoso tweet ko kasi hindi naman talaga totoong nanghihingi ako ng ticket through tweet.   

“Ako po ay nagtweet lamang pero alam ko pong imposibleng mangyayari yun. grabe kayo sakin lahat na lang ng mga tao ngayon may nasasabi…” paliwanag ni Ella.

Humigi na rin siya ng apology sa kanyang ginawa.

Aniya, “My fangirl self is saying sorry as well for not thinking of what will others think.. akala ko okay lang na magtag ng artista, dahil isa lang din naman ako sa mga fans... pasensya na po..at nawawala sa pag-iisip ko na artista po ako kapag nagfa-fangirl ako ng Koreans. I’m sorry.”