• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, naluha nang mag-sorry sa kanya si Carlo Aquino

Angelica Panganiban, naluha nang mag-sorry sa kanya si Carlo Aquino

Maja Salvador, cause nga ba ng hiwalayan noon nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/24/2018 4:14 PM
Angelica Panganiban, naluha nang mag-sorry sa kanya si Carlo Aquino


 

Sa Gandang Gabi Vice, inamin ni Angelica Panganiban na isa sa naging cause ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino noon ay si Maja Salvador. 

Pero “ligal” naman daw ang pagkakaroon ng relasyon ni Carlo kay Maja at hindi naman siya tahasang niloko ng aktor. “Yung una kasi nalaman ko lang… ito gusto niya talaga mag-start ng maayos, so kailangan niyang tapusin ng maayos sa akin. Inamin naman niya, hindi siya nagloko… pinutol niya yung sa akin, bago siya nagsimula,” kwento ni Angelica. 

Inamin din ni Carlo na na-in love siya noon kay Maja at “parang hindi” daw alam ni Maja na karelasyon noon ni Carlo si Angelica. 

Nagkasamaan kaya ng loob si Angelica at Maja? Ayon kay Angge, “hindi naman. Hindi kami nagkaron ng problema.” 

Naging emosyonal din sina Carlo at Angelica nang bigyan sila ng chance ng host na si Vice Ganda na mag-sorry sa isa’t isa.  Sinabi ni aktres kay Carlo na, “Sorry dun sa nagpa-alam ka, pumayag na lang ako. Sorry kasi napagod ako.” 

Sagot naman ni Carlo sa kanya, “Sorry siguro kasi napagod ka dahil kasalanan ko. Inaamin ko naman yun na nagkulang ako, nagkulang ako sa’yo.” 

Hindi napigilang maluha ni Angge nang dahil sa sinabi ni Carlo at naging emosyonal din naman ang binata.