Rhian Ramos, enjoy sa pagiging single ngayon

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2018 11:11 AM
Rhian Ramos, enjoy sa pagiging single ngayon


Photo credit to: @whianwamos IG

 

Ayon kay Rhian Ramos sa interbyu ng PUSH kasama ang ilang entertainment writers, mas nagkaroon siya ng panahon sa sarili pagkatapos nilang maghiwalay ng non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy. Three years ding tumagal ang relasyon ng dalawa.

“Since being single I have nothing really to focus on except for myself. So it’s a very selfish time for me and I’m okay with that and I enjoy naman,” reaksyon pa niya sa status ng personal life niya ngayon.

Madali rin daw siyang nakapag-move-on sa kanilang breakup ng dating boyfriend.

Aniya,  “I think what makes it easy is wala naman kaming galit sa isa’t isa and we still always want what’s best for each other… I think, mahirap lang naman mag-move on pag parang may hinanakit kayo sa isa’t isa. Kami wala naman.”

Pero hindi raw muna niya balak na pumasok ulit sa panibagong relationship at mag-entertain ng bagong manliligaw.

“Hindi. Sa ngayon parang nakikita ko din na wala din siyang point mag-entertain. Kasi balak ko din namang mag-aral somewhere,” sey pa niya.

Balak magpunta ng Amerika ni Rhian para mag-aral pero ayaw naman daw niya ng long distance relationship.

 “Honestly, never kong na-dream na gugustuhin kong mag-long distance relationship.Pero hindi mo alam kung anong magiging desisyon mo at that time, eh,” sambit niya.

Halata namang mas pinatatag na si Rhian ng mga pinagdaanang pagsubok sa buhay noon base sa kanyang disposisyon sa buhay. Parang hindi uso sa kanya ang ma-depress.

“I can’t say na never akong na-depress pero dahil napagdaanan ko na a few times, may better understanding na rin ako how my brain works and how I handle hardships. And honestly, I feel like, dahil marami na akong napagdaanan na mahirap para sa akin, I don’t there’s anything na that can…

“Ano, I think it’s true talaga that if you just give a time you can get pass everything and then you’ll be surprise na ang dami pa palang life after pain. Parang if you just let it pass… 

“Kasi siyempre, pag nasa loob ka ng pain akala mo hindi ka na makakalabas, pero sa totoo lang, may future ka pa,” words of encouragement pa niya sa mga taong may mga pinagdadaanan sa buhay.