Kylie Verzosa inihahanda ang sarili sa bagong proyekto

Kylie Verzosa, mas healthy na ang lifestyle para sa mas sexy na pangangatawan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/23/2018 11:41 AM
Kylie Verzosa inihahanda ang sarili sa bagong proyekto


 

Road to fit and sexy lifestyle ngayon si 2016 Miss International Kylie Verzosa. Sa huling panayam ng entertainment press sa beauty queen turned actress, inamin nito ang patuloy niyang pag maintain sa kanyang figure bilang paghahanda sa upcoming projects.

Read: From beauty queen to superhero, Kylie Verzosa ipinakilala bilang si Osyana

"Yes meron (laughs) siguro mas pumapasok na kasi ako ngayon sa movies screen, sa TV, so siyempre sa screen pag nakita mo ang sarili mo na parang kailangan na mag lose pa ng weight, so pinaghandaaan ko talaga," kuwento ni Kylie.

Aniya, bahagi ng kanyang pag tuloy-tuloy sa showbiz career ay ang pagiging conscious sa kanyang katawan.

“I watch what I eat na din and mas conscious na din ako sa mga kinakain ko now," sabi pa ni Kylie.

Todo papayat man, sinigurado pa din ni Kylie na all natural ang kanyang ginagawang pagda-diet.

"Super natural akong mag diet, I've been losing a lot of weight, kasi 3 to 4 times akong nag gym,” ani Kylie.

Pagdating naman sa mga nakaka puna ng kanyang kapayatan ngayon, ayon kay Kylie, wala muna siyang panahon para basahin pa ang mga ito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Impromptu visit with @boomsason 🍊

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

 

"There were good and bad comments, pero siyempre tinitignan ko nalang siya in a positive way and kung may negative comments man lang more of take it in to consideration kung nakaka affect ba sayo or hindi, mostly naman for your benefit sana," pahayag pa ni Kylie.

Sa ngayon, todo promote padin si Kylie sa kanyang pelikula na Abay Babes kasama sina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Nathalie Hart at Cristine Reyes.