• Home
  • Fresh Scoops
  • Ice Seguerra nagbigay update sa baby plans nila ni Liza Diño

Ice Seguerra nagbigay update sa baby plans nila ni Liza Diño

Sa proseso ng In vitro Fertilization, mabibigyang katuparan ang pagbuo ng pamilya ni Ice Seguerra at Liza Diño.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/23/2018 11:36 AM
Ice Seguerra nagbigay update sa baby plans nila ni Liza Diño


Photo credit to: @iceseguerra IG

 

Hindi naging matipid ang singer na si Ice Seguerra sa pagbibigay update sa kanyang planong pagbuo ng pamilya ng misis na si Liza Diño.

 

 

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Seguerra sa katatapos lang na successful concert nito nga Echo Jam "Greatest Hits: Originals and Covers" sa Cebu City, ibinihagi niya ang kanyang excitement para sa pagsisimula ng bagong journey nila ni Diño.

"Siyempre excited, matagal na namin na hinihintay yun e, 2016 pa hanggang sa naurong ng naurong ng naurong, so hopefully this time makapag bigay kami ng oras, kasi Liza and I are not getting any younger, siyempre gutso ko din na ma-enjoy ng parents ko," tugon ni Ice.

Aniya, suportado din daw sila ng kanilang mga magulang na excited din para sa kanilang magiging anak.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Home is where my wife is. 😍😍😍

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

 

"E nako mas excited pa nga sa amin e, ayaw ko muna talaga pag usapan hanggang wala pa kami doon talaga, alam mo yun siyempre baka maudlot pa," sabi niya.

At kung tatanungin naman daw kung anong gender ang kanyang gustong maging baby, ito lang ang naging sagot ng singer.

"I don't really care anymore as ong as na okay siya, lalaking healthy, mabait, maganda ang puso at mas matangkad sa akin walang problema (laughs)," pahayag pa ni Ice.

Ayon pa kay Ice, sinimulan na nila ni Liza Diño ang unang proseso ng In vitro fertilization (IVF) at magtutuloy-tuloy ang proseso sa susunod na taon.