• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Mercado, may maaanghang na pag-amin tungkol sa relasyon nila ni Bong Revilla

Lani Mercado, may maaanghang na pag-amin tungkol sa relasyon nila ni Bong Revilla

Lani Mercado: ‘Masakit yun. Pinagtaksilan ka at may bunga yung pagtataksil na yun.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/22/2018 10:33 AM
Lani Mercado, may maaanghang na pag-amin tungkol sa relasyon nila ni Bong Revilla


 

Sa unang pagkakataon bumisita sa Tonight with Boy Abunda si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla at diretsa niyang sinagot ang mga maiinit na tanong na ibinato sa kanya. Una ay sinagot niya kung paano niya tinanggap si Luigi, ang anak ng asawa niyang si Senator Bong Revilla sa ibang babae.

Kwento ni Lani, “At first, tsismis lang, naririnig-rinig lang. I spoke to the mother (of Luigi) once during a telephone conversation, tapos namatay ang mother in law ko 1998. Luigi was brought to the house, he was around two years old. But Bong told me that he will be visiting my mother-in-law. So when he first came into the room, sa bahay namin. Wala parang nag-melt na yung heart ko, so I embraced the boy.”

Inamin ni Lani na nagalit siya. “Siyempre sa una, normal na magagalit ka. Kasi masakit yun e. Pinagtaksilan ka at may bunga yung pagtataksil na yun.”

Pero inisip na lang daw ni Lani na katulad ni Luigi ay galing din siya sa second family. “I also came from a second family. I came from a second relationship of my Mom and in-accept ako ng mga kapatid ko.”

Nang tanungin naman kung ano ang sinabi ni Lani sa ina ni Luigi, ito ang sagot ni Lani. “(I told her) Ako nandito na ako sa marriage na ‘to. I have been here for many years, ikaw pumapasok ka. You still have a way out kasi you’re not married. I am here for life and I am here to stay. So whatever you have with my husband, sana ma-realize mo na hindi ito maganda.”

Taas noo ding inamin niya na martyr siya. “Kung ang pinaglalaban mo ay kung anong para sa’yo… Because you have other people to take care of. Not just yourself… it’s your children, it’s your family. And it is your right to take care of it no matter what, martir ako. Guilty ako dun.” 

Inisip niya kaya kahit minsan na iwan ang marriage niya?  Ayon kay Lani, “ay maraming beses. I am here syempre I love my children, I love my family, I love Bong and that’s the reason I am here for them.”