Coco Martin humingi ng tawad sa mga kababayan sa Pampanga

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/22/2018 5:50 PM
Coco Martin humingi ng tawad sa mga kababayan sa Pampanga


Photo credits: @mr.cocomartin IG

 

Labis na pang unawa ang hinihingi ng “FPJ's Ang Probinsyano” actor na si Coco Martin sa kanyang mga taga-subaybay na Kapampangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Para sa mga Kapamilya namin sa Lubao, Pampanga, may isang mensahe po ng paumanhin si Coco Martin.

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

Isa sana si Coco Martin sa magbibigay saya sa “Sorpresaya Truck Caravan” ng Kapamilya network sa Lubao, Pampanga.

Pero sa di inasahan na pagkakaton, mas pinili muna ng grupo ni Coco na ipagpaliban ang kanyang personal appearance sa Pampanga dahil siya ay nagka-trangkaso.

Sa huli, hiling ni Coco ang pang unawa at pasasalamat sa walang sawa na pagsuporta ng mga taga Pampanga sa “Ang Probinsyano” na nanatiling numero uno sa primetime.

Bukod sa "Ang Probinsyano," abala din si Coco sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Jak Em Popoy” kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza.