• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray inihahanda na ang pasabog sa Miss Universe pageant

Catriona Gray inihahanda na ang pasabog sa Miss Universe pageant

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/22/2018 11:59 AM
Catriona Gray inihahanda na ang pasabog sa Miss Universe pageant


 

Sa naganap na send-off media conference para sa Binibini sister ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray, ibinahagi niya ang magandang status ng Pilipinas sa nalalapit na Miss Universe pageant.

Isa na dito ang magandang exposure ng Pilipinas sa Miss Universe social network site kung saan ipinakilala ang mga kandidata ng Miss Universe.

 

“Sobrang happy ako that Philippines is getting that spotlight in Miss Universe social media.”

Pagmamalaki din ni Catriona, daig ng maaga ang masipag dahil ngayon palang daw, ready na siyang sumabak sa Miss Universe pageant na gaganapin ngayong taon sa Thailand.

“I’m about a 99 it’s that I want to prepare early kasi I don’t want to get stressed on November, I really just want to relax refreshed and review. I don’t want to be stressing about costumes or clothing this like that,” sabi ni Catriona.

At sa nakaraang New York Fashion Week pasabog ang pag rampa ni Catriona kasama si Miss USA Sarah Rose Summer na makakalaban naman niya sa Miss Universe.

 

“They requested me to do the fashion show, which for me was a huge thing... oh my god are you guys sereous? You’re no like joking? It’s never been done... other than Miss USA of course,” kuwento pa niya.

Laban para sa ika-apat na korona ng Miss Universe ang goal ni Catriona na di malayong matupad sa kanyang determinasyon.