Bryan Revilla, aminado na isa siyang reluctant actor

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/22/2018 11:18 AM
Bryan Revilla, aminado na isa siyang reluctant actor


 

Balik-showbiz at sa pag-arte ang anak ni dating senador Bong Revilla na si Bryan. Isa ang binata sa bida sa trilogy movie na Tres para sa episode na Virgo.
 
The other two lead actors sa Tres na prinodyus ng Imus Productions at ire-release ng Star Cinema on October 3 ay sina Jolo Revilla for 72 Hours and Luigi Revilla para naman sa Amats.
 
Aminado si Bryan na isa siyang reluctant actor at malayo sa ugali ni Jolo na mas active sa showbiz. ”Mahiyain ako, that’s why. Very shy. But then again, acting has a special place in my heart and I haven’t done it in 10 years but now I have the chance actually to do it.
 
“And now, parang I’m missing out on something that I really love to do,” simulang pahayag ni Bryan.
 
Tumigil sa showbiz si Bryan dahil gusto niyang tapusin ang pag-aaral. Kumuha siya ng kursong Consular Diplomatic Affair sa College of St. Benilde.
 
“Prinioritize ko muna yung studies ko tapos eventually, imbes na makabalik ako sa showbiz nagtrabaho na lang ako,” komento pa niya.
 
Kahit ang tingin ng marami sa kanya ay “reluctant actor” ay madami naman ang nakapansin sa husay niya sa pag-arte sa trailer ng Tres. “That’s a very nice thing to hear. I hope na sana ano nga, na magaling nga ako,” natatawa at parang nahihiya niyang reaksyon.
 
Dagdag niya, “ Ako, sa akin, pagdating sa trabaho especially with my craft, parang sometimes it’s just never enough. I still want na parang, I just wanna keep on making myself na, like kunyari, sayang hindi ko ito nagawa dati, sana if given the chance to do it I will make sure na ibibigay ko talaga yung best ko.”
 
Habang sinusyuting ang Tres ay nanghingi ba siya ng advice kay Jolo pagdating sa pag-arte? Aniya, “Yeah, we get tips from one another but iba-iba yung mga proseso namin. For me, iba yung process ko to get into character compared sa kanila.”
 
Close din ba siya sa half-brother na si Luigi?
 
“I’m pretty much close to all of my siblings. My relationships from each of my siblings are very different,” sagot niya.
 
“Like yung kay Luigi, naging close sa amin si Luigi 10 years ago. I love my brothers, I love Luigi, I love Jolo. Kahit me and Luigi have different moms. I treat him as how I treat my other siblings,” sabi ulit ni Bryan.
 
Samantala, paano ba siya nag-prepare sa pelikula nilang magkakapatid? “Well, 10 years without any exposure, medyo rusty talaga. Swerte na rin lang ako na I get to work with Direk Richard (Somes), inalagaan po talaga ako.
 
“We had workshops, pero yung pinaka-tasking na trabaho na ginawa ko is to watch lots of movies. I had to watch countless films. So, mostly yung internalization yung medyo…
 
 “I had to cut weight, that’s another. For the longest time since 2007, after nung showbiz naging pakawala din ako, eh. Pinabayaan ko ang sarili ko. So I had to get back into how I look like before,” pagbabahagi pa ni Bryan.