Boy Abunda, napaiyak sa pagpanaw ng isang kaibigan

Boy Abunda on losing a dear friend: ‘I pray to God for courage to accept the truth that he’s gone.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/22/2018 10:25 AM
Boy Abunda, napaiyak sa pagpanaw ng isang kaibigan


 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilang maiyak ni Boy Abunda sa pagpanaw ng isang taong importante sa buhay niya—si John Ace Hernandez. Ayon kay Boy, pumanaw si Ace last Sunday, September 9. Parte rin daw ng pamilya ng TWBA si Ace. Ayon kay Boy, “he was my friend, he was my ally, he was my brother.”

Binahagi din ni Boy ang pinaka-importanteng bagay at mensahe na natutunan niya kay Ace, dahil parati daw nitong sinasabi na, “alam kong maganda ako at kung hindi nila nakikita yun, hindi ko problema yun, problema nila.” Dagdag pa ni Boy, “Every time he said that he was beautiful, he was lovely. I believed him and I missed him.”

Inalala din ni Boy kung papano siya inalagaan ni Ace. “Siya po yung laging may baong toothpick dahil mahilig po ako sa toothpick, pag nagkaka-allergy po ako siya yung may wet wipes.” 

Pagtatapos ni Boy tungkol sa kaibigang pumanaw, “I miss him and I pray to God that he embraced God with love and life. I pray to God for courage to accept the truth that he’s gone.” 

Nag-iwan din siya ng mensahe para kay Ace, “Ace I know you’re with God. I just want to say from the bottom of my heart. Thank you.”