• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Q and A contestant binuking ang ex-boyfriend ni Vice Ganda

Miss Q and A contestant binuking ang ex-boyfriend ni Vice Ganda

Miss Q and A contestant Nadine “Ikik” Monteverde nagkuwento at nagbigay ng pangalan ng ex-boyfriend daw ni Vice Ganda.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/21/2018 10:29 AM
Miss Q and A contestant binuking ang ex-boyfriend ni Vice Ganda


 

Sa segment na Miss Q and A ng It’s Showtime noong September 19, isang contestant ang nakilalang naging kapitbahay ni Vice Ganda sa Tondo noon. Habang ikinu-kuwento ni Vice ang ex-boyfriend niya sa Tondo, binanggit ng contestant na si Nadine o Ikik, na hinahanap siya ng isang lalaking pinagalanang, ‘Buknoy,’ na bigla namang ikinagulat ng It’s Showtime host. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dua Lipa Batangas

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

“Hindi Buknoy ang pangalan ng naging jowa ko pero malapit.” depensa ni Vice. “Malapit, anak ni Aling Panching.” sagot naman ng contestant na si Nadine. 
 
Sa gulat ni Vice, nilapitan niya ang contestant at pilit inaagaw ang mic para hindi na magkwento pa. 
 
“Huy minahal ko yun, ang tagal namin nun,” dagdag ni Vice. “Tapos live-in kasi kami nun. Dun (kami nakatira) sa bahay namin sa Tambunting.”

Panuorin ang episode dito:


 
Sa ibang balita, ipapalabas ang bagong pelikula ni Vice Ganda na Fantastica sa Metro Manila Film Festival 2018.