• Home
  • Fresh Scoops
  • Kyla, ibinahaging nag-audition siya noon sa 90s show na Ang TV

Kyla, ibinahaging nag-audition siya noon sa 90s show na Ang TV

Nagbigay din ng advice si Kyla sa viral TNT contestant na si Elaine Duran.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/21/2018 5:33 PM
Kyla, ibinahaging nag-audition siya noon sa 90s show na Ang TV


 

Ibinahagi ni “Queen of R&B” Kyla ang mga nasubukan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Sa episode ng Magandang Buhay, September 21, ikinuwento ng singer na minsan na din pala siyang nag-audition sa 90s show na Ang TV.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLA (@kylaalvarez) on


 
“Nag-audition pa nga ako sa Ang TV eh. (Pero) hindi ako nakapasa. Dinaanan lang ako ng camera,” pagkaalala niya.
 
Kwento rin ni Kyla ilang beses din siyang na-reject ng mga recording companies noon, “Yung daddy ko kasi, mahilig magpasa yun ng demo tapes. Dati kasi (ganun). Ang daming beses akong na-reject ng mga recording companies.”
 
WATCH: Kyla, maraming beses na na-reject ng mga recording companies
 


 
Sa parehong episode, nagbigay ng advice si Kyla sa trending Tawag Ng Tanghalan semi-finalist na si Elaine Duran bilang nagsisimula siya ngayon sa music industry.
 
“Dito sa industry na ‘to, you will be mocked, you will be laughed out, you will be judged. Pero tandaan mo na you are strong enough to live through it and thrive through it. Enjoy mo lang yung ride na ‘to. Importante kung ano ang ginagawa mo while waiting for your time to shine,” sabi ni Kyla kay Elaine matapos umaming nakakatanggap din siya ng mga negative comments online.
 
Sa ibang balita, tinaguriang pinaka-unang TNT record holder naman si Elaine Duran dahil sampung beses siyang nanatiling defending champion sa nasabing segment ng It’s Showtime. Nakatanggap siya ng P50,000 dahil dito.
 
Mapapanood si Kyla at Elaine Duran sa Tawag Ng Tanghalan araw-araw sa It’s Showtime.