• Home
  • Fresh Scoops
  • KILALANIN: Pinay Beauty sasabak sa Latin based beauty pageant Miss United Continents

KILALANIN: Pinay Beauty sasabak sa Latin based beauty pageant Miss United Continents

2016 ng unang masungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss United Continents.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/21/2018 10:35 AM
KILALANIN: Pinay Beauty sasabak sa Latin based beauty pageant Miss United Continents


Photo credit: @sarahcruzasido on IG

 

Dasal at suporta ang hiling ng 24-year old Pinay beauty na si Sarah Cruz Asido na pambato ng Pilipinas sa 2018 Miss United Continents.

Si Asido, ang muling susubok na masungkit ang korona sa Latin based beauty pageant na kasalukuyan na ginaganap sa Ecuador.

2016 ng unang masungkit ni Jeslyn Santos ng Pilipinas ang unang korona sa Miss United Continents pageant.

Read:2016 Miss United Continents Jeslyn Santos plans to enter showbiz

Sa naging panayam ng PUSH sa Bulakenya beauty bago ito tumulak patungo sa Ecuador, ibinahagi niya ang naging preparasyon para sa laban.

“I know stressful po ang preparation part pero it gives me gigil po going to Ecuador. Emotionally, spiritually, physically, lahat po ng aspects po talaga,” tugon niya sa PUSH.

 

Dahil latin based ang pageant, isa din sa naging bahagi ng paghahanda ng Pinay beauty ang pagsasalita ng kastila.

“I’m also practicing my projection, posing, studying about Ecuador po and MUC po and learning some basic spanish po for Question and Answer,” ani beauty queen.

At sa usapin naman ng pressure na muling makuha ang korona, ito ang kanyang naging tugon.

 

“Definitely meron, pero yung pressure po na yun is ginagawa kong motivation. Jeslyn is a very good friend of mine, we're like sisters po and it's a blessing po kasi I could go to her and ask po for some tips, part po sya ng journey ko, sobrang malaki po ang contribution niya sa journey ko po. Syempre po I want to follow her foot steps, kaya yung pressure na nafifeel ko po ngayon is converted into motivation,” paliwanag pa niya.

Kasabay ng kanyang pangarap na korona ang mainit na suporta din ng kanyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho na  mga guro.

“Sobrang supportive po ng school principal ko po and ‘yung school ko sobrang understanding po nila, sobrang blessed po ako to be working with and for them. Pinagbibigayan po nila ako at talaga pong ramdam ko yung pagaalaga nila sakin at yung unending support po sa pangarap ko po,” sabi pa niya.

At sa kanyang laban, baon ng Pinay beauty queen ang panalangin at lucky charm. 

“Hindi naman po sya lucky charm material thing, pero this is my weapon in life. These are my weapons in life, bible and my daily bread po. Yung words po ni God yung dahilan why I continue to live, and why I enjoy my life,” sabi pa niya.

Kahit na Latin based beauty title, nais ng beauty queen-Teacher na itayo ang bandila ng Pilipinas sa buomh mundo.

Ngayong September 22, kokoronahan ang susunod na 2018 Miss United Continents.