• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Nicolas, pinangalanan ang limang showbiz personalities na hinahangaan niya

Eric Nicolas, pinangalanan ang limang showbiz personalities na hinahangaan niya

Eric Nicolas on Sharon Cuneta: ‘Napakabait’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/21/2018 9:59 AM
Eric Nicolas, pinangalanan ang limang showbiz personalities na hinahangaan niya


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inisa-isa ni Eric Nicolas ang limang taong hinahangaan niya sa showbiz sa segment na “5 in 45.” 

Una sa listahan ni Eric si Megastar Sharon Cuneta. Aniya tungkol kay Sharon, “binibigyan niya ako ng mga style kung papaano ang pagharap sa camera. Kinukwento niya sa akin kung ano yung mga dapat gawin. Napakabait.” 

Pangalawa naman si Mitoy Yonting. “Kahit saan magkasama kami, napakabait niyan,” ayon kay Eric. 

Binaggit din ni Eric si Gary Valenciano dahil sa pagiging very spiritual nito at si Kakai Bautista dahil sa mga tawanan nila. Dagdag pa ni Eric tungkol kay Kakai, “Nagpupunta ako sa mga concerts niya.” 

Panglima naman si Maja Salvador dahil, “Ang bait niyan. very generous,” ayon kay Eric.