• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang Probinsyano’ star Ced Torrecarion inalok gumawa ng porn video abroad pagkatapos lumabas ng video scandal

‘Ang Probinsyano’ star Ced Torrecarion inalok gumawa ng porn video abroad pagkatapos lumabas ng video scandal

Ced Torrecarion, dumaan sa matinding pagsubok dahil sa video scandal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/21/2018 9:48 AM
‘Ang Probinsyano’ star Ced Torrecarion inalok gumawa ng porn video abroad pagkatapos lumabas ng video scandal


 

Isa sa maituturing na dark moment sa buhay ng character actor at Ang Probinsyano star na si Ced Torrecarion ang paglabas ng kanyang video scandal taong 2000.

Pagre-recall pa niya, “I was really lost. There was a time that I wanted to end everything—to cut everything. I usually share this to a group of people, sa church.”

May panahon din daw na kinuwestyon niya ang Diyos sa mga nangyayari sa buhay at career niya noon.

“Kasi, nagkaroon po ng panahong babang-baba ako, na kinukuwestyon ko Siya. Kahit na sagrado Katoliko kami, I still question Him, ‘Why is this happening to me? Why is this happening to my life?’” pag-amin niya.

Patuloy ng aktor, “There was a time na talagang walang-wala ako, na gusto ko nang i-give up ang lahat. I wanted to end it all.

“But then, there was an epiphany. The moment I closed my eyes and about to end it, I saw His Face. And then, humingi ako ng tawad sa Kanya. Kasi, alam po natin na ang buhay natin dito sa mundo ay hiram lang. At nobody can take it, di ba?”

Naalala rin ni Ced na biglang dumami ang offers sa kanya—sexy movies at indecent proposals pagkatapos niyang aminin na siya nga ang nasa video scandal.
 
"Noong inamin ko siya, ang daming offers noon, even to do sexy that time,” natatawa niyang pahayag.

“Ang dami talagang offers noon pero hindi ko kinuha. Hindi ko ginrab. Kasi, na-burn out ako. Tapos, ang daming indecent proposals,” dagdag niya.

May nag-alok din daw sa kanya noon to do a porn video sa ibang bansa na dollars pa ang bayad.

“May offer pa sa akin sa ibang bansa to do porn. Ang laki ng bayad. Dollars. Kung ginawa ko iyon, baka itinakwil ako ng pamilya ko. Mawawalan ako ng mana,” sambit pa niya.

Inamin din ng aktor na after his admittance about the sex video scandal ay naging conscious siya dahil iba ang tinitingnan sa kanya ng mga tao.

“Na-conscious ako noon. Iba na ang tingin sa akin ng mga tao. Naku-curious sila.

“Pag naglalakad ako, yung mga nakakasalubong ko, may panning sa ibaba. Iba na yung ano (tingin), puma-pan sa ibaba,” muling pagre-recall ni Ced.

Samantala, bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, mapapanood din si Ced sa musical play na The Lost Sheep sa October 27 sa Star Theater, CCP Complex. Gaganap si Ced bilang Jesus Christ sa The Lost Sheep.