Maxene Magalona inaming idol niya si Angelica Panganiban

Sa Tonight With Boy Abunda, inamin ni Maxene Magalona na gusto niyang makatrabaho si Angelica Panganiban.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/20/2018 9:02 AM
Maxene Magalona inaming idol niya si Angelica Panganiban


Photo credit: @iamangelicap on IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Maxene Magalona na noon pa man pangarap na niyang maka-trabaho si Angelica Panganiban. 

“Actually, nung una po akong mapunta dito sa ABS-CBN, tinanong po ako kung sino ang gusto kong maka-trabaho at ang una kong sinabi ay Angelica Panganiban,” bungad ni Maxene kay Boy.  

Ngayon daw ay thankful si Maxene na nakaka-trabaho na niya si Angelica sa bagong morning drama ng ABS-CBN na Playhouse. 

PHOTOS: Ang masayang cast ng Playhouse https://push.abs-cbn.com/2018/9/13/photos/look-ang-masayang-cast-ng-playhouse-191758

“People think drama is hard to do, comedy rin po. Yung timing sobrang importante yan and Angelica just nails it every time,” kwento niya. 

“Idol ko siya kasi she can do drama and comedy,” dagdag ni Maxene.  

Bukod dito, na-intimidate din daw si Maxene kay Angelica noong una silang magsama sa set. 

“Na-intimidate ako kasi napakagaling niyang aktres, pero po as a person kilala ko kasi si Angelica ever since Ang TV. Magkakasama kami since we were seven years old,” pag-amin ni Max.  

“Napakabait po talaga ni Angelica na tao. Sobrang gaan and very totoong tao po talaga siya,” aniya.