• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao, inaming plus points ang pagkakaroon niya ng magandang katawan para makakuha ng projects

Marco Gumabao, inaming plus points ang pagkakaroon niya ng magandang katawan para makakuha ng projects

Sinabi ni Marco Gumabao na naging advantage sa kanya ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/20/2018 9:34 AM
Marco Gumabao, inaming plus points ang pagkakaroon niya ng magandang katawan para makakuha ng projects


 

Pang fourth movie na ni Marco Gumabao sa Viva Films ang Para sa Brokenhearted pero ito ang maituturing niyang biggest break dahil isa siya sa mga bida sa pelikula.

Kasama din si Marco sa mga films na Abay Babes (na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan), sa Aurora ni Anne Curtis at sa Ulan ni Nadine Lustre.

"Happy ako, siyempre,” reaksyon ni Marco nang tanungin namin kung anong pakiramdam na isa siya sa lead stars ng Para Sa Brokenhearted.

Dugtong niya, “And at the same time nakaka-pressure kasi movie na yan, kailangan paying audience na ang makuha mo. But at the same time ano naman, confident naman kami sa project na binigay sa amin. Maganda naman yung movie, so sana magustuhan ng mga tao.”

“Madamot” ang description ni Marco sa role niya bilang boyfriend ni Shy Carlos sa pelikula, pero hindi na siya nag-elaborate tungkol dito.

“Basta pare-pareho lang kaming brokenhearted dito,” matipid niyang pahayag.

Aware ba si Marco na ang pagiging hot and sexy niya ngayon – with all those photos from an underwear brand – ang isang rason kung bakit nabibigyan siya ngayon ng project ng ABS-CBN kahit wala na siya sa Star Magic?

“Well, siguro yes, oo. Because, kung yon naman talaga yung bebenta sa 'yo then use it di  ba?” diretsang sagot niya.

“Eh, before nung medyo bata-bata ako, nung chubby ako, talagang ano, medyo malayo pa sa ngayon. So, I guess na malaking tulong rin talaga siya.

“Pero at the same time, ayoko naman siyang gamitin all the time para makuha yung mga roles. Ayoko naman na makilala lang na, ‘Ay, si Marco Gumabao naghuhubad lang.’ Siyempre gusto ko makilala na marunong umarte tapos maganda rin yung katawan. Bonus na lang yung maganda ang katawan.”

Samantala, kahit wala na sa Star Magic ang binata ay hindi niya raw naisipang lumipat sa ibang TV network.

Aniya, “Ako talaga, my heart is with ABS (CBN) talaga. Andon lahat yung mga boss na talagang napakabait sa akin. You feel at home with them. And siyempre, aminin natin, it’s the best station also.”

Ayon pa kay Marco, maituturing na isang malaking risk daw ang ginawa niyang pag-alis noon sa Star Magic para lumipat sa Viva Artists Agency (VAA).

“Malaking desisyon for me na umalis noon sa Star Magic, kasi unang-una, I was gonna leave my mother network, mawawala ako sa ABS. And for me, hindi ako sure kung makakakuha pa ako ng project sa ABS no’n.

“Parang for me, it was a risk na I was gonna take.Kasi ako, medyo risk taker din ako. Mahilig akong sumugal sa mga ano. Because hindi ko naman malalaman if  gaganaa yung isang bagay kung hindi ko ita-try,” katwiran pa niya.

Bukod sa Para sa Brokenhearted ay mapapanood din si Marco sa Los Bastardos ng ABS-CBN na malapit nang ipalabas mula sa RSB unit ni Direk Ruel Bayani.