• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino o Zanjoe Marudo: Sino ang mas sexy para kay Angelica Panganiban?

Carlo Aquino o Zanjoe Marudo: Sino ang mas sexy para kay Angelica Panganiban?

Sinagot din ni Angelica Panganiban kung sino kina Carlo Aquino at Zanjoe Marudo ang mas sexy at mas magaling humalik.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/20/2018 7:08 PM
Carlo Aquino o Zanjoe Marudo: Sino ang mas sexy para kay Angelica Panganiban?


 

Sa segment na Fast Talk sa show na Tonight with Boy Abunda noong September 14, nakaka-aliw na sinagot ni Angelica Panganiban ang mga tanong kung sino ang mas lamang sa kanyang leading men na sina Zanjoe Marudo at Carlo Aquino.

 

Sa nasabing segment pinili ni Angelica si Carlo Aquino bilang mas malambing at mas matampuhin. Kwento din ng aktres, nagulat siya sa kaseksihan ni Carlo sa taping nila para sa pelikulang Exes Baggage,

“Ang yummy niya doon sa pelikula (Exes Baggage). Eh forever kay Zanjoe ako naya-yamihan e. Parang ang sarap nung Carlo lately,” sabi ni Angelica.

READ: Bakit nag-break sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban noon?

Inamin naman ng aktres na si Zanjoe ang pinaka huling nagpakilig sa kanya, at mas magaling humalik.

“Siguro nagulat na lang ako kay Zanjoe (sa kissing scenes). Siyempre si Carlo na-kiss ko na dati, nung bata kami, siya naman naka-una e, hayaan niyo na,” pabirong paliwanag ni Angelica.

WATCH: CarGel’s ‘suck and blow’ challenge will leave you feeling shookt

Nang matapos ang Fast Talk, in-announce naman ni Tito Boy na makakasama si Carlo Aquino sa bagong teleserye ni Angelica at Zanjoe na Playhouse. Kinumpirma din ito ni Angelica.

Panuoring ang buong episode dito:

Showing na sa September 26 ang pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage. Samantala, nagsimula nang ipinalabas ang Playhouse noong Lunes September 17, sa ABS-CBN.