• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino ikinuwento bakit pinuntahan niya sa bahay si Angelica Panganiban kasama ang kanyang magulang

Carlo Aquino ikinuwento bakit pinuntahan niya sa bahay si Angelica Panganiban kasama ang kanyang magulang

Masaya si Carlo Aquino at nagkita silang muli ng mommy ni Angelica Panganiban.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/20/2018 6:07 PM
Carlo Aquino ikinuwento bakit pinuntahan niya sa bahay si Angelica Panganiban kasama ang kanyang magulang


 

Hindi itinanggi ng aktor na si Carlo Aquino ang kanyang kasiyahan sa mga nababasang reaskyon ng mga netizen sa social media sa pelikula nila ni Angelica Panganiban na Exes Baggage.

Ilan dito ang mga nakatutuwang komento sa trailer na wish nila na magkabalikan sila ni Angelica.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Year 2004

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

“Kinukuwento sa akin ni Angge (palayaw ni Angelica) ang mga comments na ‘basta magkabalikan lang kayo hindi na kami magla-lovelife.’ Pero ini-enjoy lang namin ang kung ano ang meron kami ngayon,” sabi pa ni Carlo sa panayam sa kanya ng press nitong Linggo.

Dito, ikinuwento pa ni Carlo ang dahilan ng pagdalaw niya sa bahay ni Angelica. Kasama ang kanyang mga magulang, kinuha niya ang alaga niyang pusa na pansamantalang naiwan kay Angelica.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ang "Sinta" ng buhay ko

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

 

“Parents ko ang nagsundo sa akin sa airport. Sinama ko na sila (papunta kina Angelica), eh hindi pa nila nakikita ang bahay ni Angge,” nakangiti niyang sabi.

At kasama na din sa pagsundo sa kanyang alagang pusa ang instant bonding ng kanyang magulang kay Angelica.

“Kuwentuhan lang tapos pinakita lang ni Angge kung gaano kalaki ang bahay nya. Siyempre masaya kasi hindi ko pa nga nadadalaw si Tita Annabelle (mommy ng aktres), balak ko rin gawin yun antagal ko na siya hindi napupuntahan,” pahayag ni Carlo.

Sa September 26, mapapanuod ang Exes Baggage sa direksyon ni Dan Villegas

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Salamat sa matamis na pagtanggap sa pasilip namin. Ipagkalat pa po natin. 🖤🖤🖤

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on