• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, inaming nag-mature siya nang makilala ang boyfriend na si Mikee Morada

Alex Gonzaga, inaming nag-mature siya nang makilala ang boyfriend na si Mikee Morada

Malaki raw ang ipinagbago ni Alex Gonzaga mula nang naging nobyo niya si Mikee Morada, ayon sa mga kaibigan nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/20/2018 6:44 PM
Alex Gonzaga, inaming nag-mature siya nang makilala ang boyfriend na si Mikee Morada


 

Sa September 20 episode ng Magandang Buhay, ibinahagi ni Alex Gonzaga kasama ang mga kaibigan na sina Winnie at Janna, ang mga pagbabago sa aktres simula nang maging karelasyon ang businessman na si Mikee Morada. 

Ayon kay Janna, “Sobrang laki kasi nang nangyari (o nagbago) simula nung naging sila ni Mikee. As in, nakita ko yan, nag-evolve talaga siya (Alex). Dati sobrang immature niya.”

Paliwanag pa ng kaibigan ng aktres, sobra ang pagka-clingy ni Alex noon sa kanyang dating naka-relasyon, kaya nagulat ito sa attitude niya towards Mikee.

READ: Alex Gonzaga on boyfriend: 'I finally found the man na naiintindihan yung dynamics namin as a family

"Isa sa mga naging maturity ni Alex, ay nag-gigive way na siya,” dagdag ni Janna.

Hindi naman ito tinanggi ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka star. 

“Dati kasi 'pag may gusto ako, dapat, yun ang mangyayari. Minsan nagiging manipulative tayo (mga babae), may mga gagawin tayo para makuha pa rin natin. (Tapos) pagsasabihan ako ni Mikee.”