• Home
  • Fresh Scoops
  • Prinsipe ng Manobo Aljun Cayawan gusto subukan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Prinsipe ng Manobo Aljun Cayawan gusto subukan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/2/2018 11:54 AM
Prinsipe ng Manobo Aljun Cayawan gusto subukan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


 

Todo ang kasiyahan ngayon ng WCOPA gold medalist na si Aljun Cayawan para sa bagong blessing na kanyang natanggap bilang bagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic products.

“Masaya po ano sa sobrang suportado ako, actually hindi lang po ng Manobo tribe, kundi lahat po ng katutubo sa Pilipinas. After winning WCOPA, hindi lang mga Manobo ang naging proud kundi ibang katutubo mula Luzon, Vizayas at Mindanao nag-message sa akin,” bungad ni Aljun sa press.

 

 

Si Aljun ay isang Prinsipe ng Manobo tribe mula sa Agusan del Sur na isa sa nag-uwi ng karangalan sa katatapos lang na World Championship of Performing Arts o WCOPA sa Las Vegas.

 

 

Kuwento niya na wala umano siyang formal training sa pagkanta.

 

 

“Wala po, sad to say wala po akong formal training sa pagkanta. Ang lola ko lang po ang nag-train sa akin,” pagmamalaki niya.

Bukod sa pagkanta, isang panawagan din para kay Coco Martin ang nais ipaabot ni Aljun.

“If Coco Martin is hearing this, if mabigyan man ako ng chance, why not? Kasi Ang Probinsyano kasi tipikal na palabas na pinapakita ang mga nangyyari sa paligid at isa akong probinsyano,” sabi pa niya.

“Isang karangalan na maibahagi ang kultura namin at tradisyon, kasi may nagsabi sa akin na ‘kawawa kaming mga Manobo’ kasi napag-iiwanan na ng ibang tribo,” paliwanag ni Aljun.

“Malaking tulong din po lalo na para sa mga batang Manobo kung makikilala po ang tribo,” pahayag pa ni Aljun