Liezel Garcia, masayang masaya na engaged na

Pansamatalang break sa pagkanta, nasa plano raw ni Liezel.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/2/2018 11:58 AM
Liezel Garcia, masayang masaya na engaged na


All smiles ang singer na si Liezel Garcia ng nakapanayam ito ng PUSH at ABS-CBN News sa naganap na Limitless concert media conference nitong Sabado, Setyembre 1.

Dito, ibinahagi ni Liezel ang kanyang pananabik sa upcoming concert kasama sina Kyla, Radha, Jayda at Angeline Quinto.

 

 

“I’m really happy na maging part ako nito, kasi ang ganda ganda ng intentions para sa mga nangangailangan na mga kababaihan at mga kabataan na may panga-ngailangan,” bungad ng singer.

Bukod sa kanyang upcoming show, ibinahagi din ng singer ang kanyang excitement para sa kanyang nalalapit na kasal.

Kamakailan naiulat ang marriage proposal ng kanyang American boyfriend na si Justine Eagle.

“Yes! Until now, surprised pa rin ako. Hindi ko expected na magpropose nga siya. Nagbakasyon siya dito from States, sobrang happy ako na nagspend kami ng time together and before siya nag fly pabalik ng States, doon siya nagpropose,” kuwento ni Liezel.

 

 

 

 

Baby I really don’t know how to start this post, coz I feel like I’m still dreaming at this moment.. ❤️😍❤️ ugh! I can’t believe I will have this precious moment..😍 I thought I’ll be alone in my life..but here’s God, never fails to surprise me and love me! 🙏🏾🙏🏾 He gave me this wonderful gift - an amazing man in my life! ❤️❤️ I am thankful and blessed! Baby, thank you for loving me and choosing me..thank you for always making me feel beautiful even if I say I’m not..❤️❤️ thank you for all your encouraging words and support in everything that I do..thank you for loving me and being faithful and loyal even while being in a long distance relationship..❤️❤️ thank you for everything bear.. 💕💕 and YES, I love you much Justin! Can’t wait baby! 😍😍 #engaged #always

A post shared by Liezel Garcia (@liezelgarcia) on

 

 

“Ganoon pala yung feeling na parang mame-mental block ka 'pag nandoon ka na sa mismong situation na yun,” sabi pa niya.

 

 

 

Hello there handsome! ❤️❤️❤️👫 #loveyou #mysweetbear

A post shared by Liezel Garcia (@liezelgarcia) on

 

 

Always happy & fun times with you! 👫💕❤️ #happyme #Love #motorbike

A post shared by Liezel Garcia (@liezelgarcia) on

Aniya, hindi rin daw niya inasahan ang magagandang pangyayari na ito sa kanyang buhay.

“Very, very happy kasi hindi ko inasahan na mag-aasawa ako eh, feeling ko tatandang dalaga ako, 'yung ganun na feeling kaya sabi ko, ‘Oh my god! This is it.’ This is really my destiny,” saad pa niya.

Hindi rin itinanggi ni Liezel na kasama sa kanyang plano ang pansamantalang break sa pagkanta para bigyang oras ang buhay may asawa.

“Yun talaga yung plan, kung saan ang gusto ng magiging husband ko doon ako, so kumbaga follow my heart na muna ang peg ko but while I’m still here, I still do my first love ang pagkanta,” pahayag pa niya.

Target ni Liezel at ng kanyang American fiancé ang magpakasal sa susunod na taon.

Mapapanuod si Liezel kasama sina Kyla, Jayda, Radha at Angeline Quinto sa Limitless concert sa darating na September 7 sa Metro Tent, Pasig.