• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran singer na si Tarzan ng 'Tarzan at Baby Jane' duo, pumanaw na

Veteran singer na si Tarzan ng 'Tarzan at Baby Jane' duo, pumanaw na

Namatay nitong Martes si Horacio de Jesus or mas kilala sa pangalang Tarzan ng singing duo na Tarzan at Baby Jane.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/19/2018 3:23 PM
Veteran singer na si Tarzan ng 'Tarzan at Baby Jane' duo, pumanaw na


 

Pumanaw nitong Martes September 18 si Horacio de Jesus o mas nakilala bilang si Tarzan ng singing duo na ‘Tarzan at Baby Jane.'

Sa ulat ng ABS-CBN News, kinumpirma ng kaanak ni ‘Tarzan’ na na-stroke ang singer nitong Sabado at na comatose bago pumanaw sa ospital noong Martes.

Sumikat ang father and daughter duo na si Tarzan at Baby Jane noong dekada ‘70 hanggang dekada ‘80 sa kanilang mga awiting pamasko mula sa album na Kwelang-kwela.

Ilan pa sa mga pinasikat nilang awitin ay ang “Mano Po”, “Nasaan Ang Nanay” at “Nasaan Ka Ninong.”

Ayon pa sa ulat, naging abala si Horacio de Jesus sa pagtatanghal sa mga piyesta bago ito pumanaw.