• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valenciano

Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valenciano

Sa press conference ng pelikulang 'Para Sa Broken Hearted,' inamin ni Sam Concepcion na tapos na ang relasyon nila ni Kiana Valenciano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2018 9:13 AM
Sam Concepcion kinumpirma na break na sila ni Kiana Valenciano


Photo credit: @sam_concepcion on IG

 

Binigyang linaw na ni Sam Concepcion ang usapang hiwalay na sila ng girlfriend na si Kiana Valanciano.

Sa naganap na media conference ng pelikulang Para sa Broken Hearted, kinumpirma mismo ng singer na may katotohanan nga ang isyung kumakalat sa kanilang dalawa ni Kiana. 

“Well sorry, hindi ko pa alam kung paano sagutin yung question but no not at the moment,” sabi niya sa press nitong Martes, September 18. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mood. 🇰🇷

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

 

Nang tanungin naman kung kailan ang eksaktong hiwalayan nila maiksi lamang ang sagot nito. “Ayaw ko nang bigyan ng timeline,” aniya.

Ayon pa kay Sam, focus muna siya ngayon sa magagandang bagay na dumarating sa kanyang career. 

“Siguro tulad ng sinabi ko kanina, marami pa akong kailangan gawin, so ine-immerse ko yung sarili ko to things that help me grow,” pahayag ng aktor.

October ng 2016 nang napabalita ang ligawan stage nina Sam at Kiana at February 2017  naman nang inamin nila sa Gandang Gabi Vice ang kanilang espesyal na pagtitinginan. 

READ: Kiana and Sam share how their relationship started 

Kilalang malapit din si Sam sa ama ni Kiana na si Gary Valenciano. Boto din ang pamilya ni Kiana sa kasintahan dahil halos sabay silang lumaki nito.