Luigi Revilla, hindi ramdam na anak sa labas

Luigi Revilla, ibinahagi ang totoong nararamdaman sa half-brothers niyang sina Jolo at Bryan Revilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/19/2018 9:29 AM
Luigi Revilla, hindi ramdam na anak sa labas


Photo credit: @luigirevilla on IG

 

Isa-isang humarap sa magkakahiwalay na pocket presscon sina Jolo, Bryan at Luigi Revilla para sa kanilang trilogy action film na Tres for their respective episodes.

Nitong Martes, September 18, huling humarap sa solo presscon si Luigi para sa episode niyang Amats. Taong 2010 pa nag-start mag-showbiz si Luigi pero mas pinili niyang tapusin ang pag-aaral kaya saglit siyang nawala.

At ngayong graduate na siya ng kursong Entrepreneurship from the Enderun College sa Taguig City ay pinagbigyan niya ang request ng amang si Bong Revilla na magbida sa pelikula kasama ang dalawang kapatid.

Hindi kaila sa lahat na si Luigi ay half-brother nina Jolo at Bryan. Magkaiba sila ng ina, pero magkaganunman, nagsimula raw silang maging okey nung nung magkita sila sa wake ng kanilang lola, ang asawa ni Sen. Ramon Revilla Sr.

Kuwento ni Luigi, “That time pa lang, grabe na ang pag-accept sa akin ng mga kapatid ko. Kiniss pa ako nila and sobrang warm ‘yung pag-welcome sa akin.

“Pero after that time, matagal kaming hindi nagkita. Bata pa kasi ako noon, eh. And then, biglang nagkita kami sa Boracay. And ‘yun, from there, when we got back to Manila, every Sunday, nagkita na kami, which until today, nangyayari.”

Nasundan pa raw ang kanilang pagkikita sa Boracay na mas lalong nagpaigting sa kanilang closeness biglang magkakapatid.

“Sobrang blessed. And ‘yun nga, they don’t treat me like a half-brother. Kung pakilala ako kahit kanino, sasabihin nila, ‘uy, kapatid ko si Luigi.’

“‘Yung pagtrato nila sa akin, parang hindi ko talaga ma-explain dahil sobrang they accepted me especially, si Tita Lani (Mercado, wife ni Sen. Bong and mother nina Jolo at Bryan),” sabi pa ng bida ng Amats.

Hindi rin daw siya nagkaroon ng problema kay Lani kahit pa anak siya sa labas ni Bong.

 “When I first went to Alabang, parang never ko na-feel na I wasn’t welcome, from day one talaga. I’m sure, kahit paano masakit ‘yun, eh, kay Tita Lani.

“You can’t deny na… siyempre, may anak si Papa sa labas. Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation dahil she never made me feel na I was out of place, especially when I visit, parang siya pa ‘yung nagpapakain sa akin.

“And I love Tita Lani. I see her as my second mom, and my mom (Lovely Guzman) and her are okay also and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family. And ngayon, sobrang close kami,” dire-diretso pang pahayag ni Luigi.

Luigi is 26 years old pero mukha siyang 19. May asawa’t anak na siya and he got married when he was 24.

Samantala, magkakasabay na haharap sina Jolo (bida sa 72 Hours), Bryan (bida sa Virgo), Luigi at iba pang cast ng Tres sa grand presscon ng pelikula sa September 24. Star Cinema ang magre-release ng comeback film ng Imus Productions bilang producer on October 3.