• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos at Arci Muñoz bagong tambalan na aabangan sa isang proyekto.

JC Santos at Arci Muñoz bagong tambalan na aabangan sa isang proyekto.

Intense at mature movie daw ang pagbibidahan nina Arci Muñoz at JC Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2018 9:58 AM
JC Santos at Arci Muñoz bagong tambalan na aabangan sa isang proyekto.


 

Isang mature project ngayon ang nakatakdang pagbidahan ng nina Arci Muñoz at JC Santos sa pelikulang Open.

Sa naganap na story conference noong Lunes, September 17, inamin ng direktor nito na si Andoy Ranay na personal choice niya sina Arci at JC para sa kanyang pelikula.

 

“Yes matagal yung naging proseso ng casting kasi medyo delikado ang tema. Pero kailangan ko ng matatalino at matatapang na artista para gumanap doon sa dalawang main characters,” sabi pa ni direk Andoy sa press.

Kahit na naging matagal ang casting, labis na ikinatuwa ni Arci ang bagong proyeko.

 

Aniya, excited din siya para sa kakaibang role na kanyang gagawin sa pelikula.

“Never ako nakarinig ng kahit na sino sa circle ko, never ako naka-meeting sa akin ha na nagkaroon ng open relationship. Kasi for me it’s really sensitive topic,” ani Arci.

“Maybe the perfect timing naman for us to open para mabigyan naman ng mounting discussion kasi totoo nangyayari siya,” paliwanag pa niya.

Gaya ni Arci, malaking adjustment naman daw ang gagawin ni JC na nakilala bilang bida sa mga hugot na pelikula na 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Jc Santos @j.c.santos bibida sa isang mature na pelikula kasama si Arci Muñoz @ramonathornes #OPEN #JCsantos #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“Bago rin to for me, parang ano ba ‘to talaga? Paano ‘to gagawin? (Laughs) Yun nga sabi ko medyo mahirap yung shift ng emotions, lalo na medyo puro siya context. So bago sa ’kin yung kuwento ng long term tapos mag-try sila mag-open ng relationship,” pahayag naman ni JC.

Inaasahan na bago magtapos ang 2018, mapapanuod ang Open kasama sina Nikki Valdez, Alexa Ilacad, at Vance Larena.