• Home
  • Fresh Scoops
  • Gaano na ka-close sina Yassi Pressman at Coco Martin ngayon?

Gaano na ka-close sina Yassi Pressman at Coco Martin ngayon?

Yassi Pressman inamin na iyakin na siya ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2018 10:04 AM
Gaano na ka-close sina Yassi Pressman at Coco Martin ngayon?


Photo credit: @mr.cocomartin (R) on IG

 

Isa si Yassi Pressman sa lead cast ng hugot movie na Para Sa Broken Hearted.

 

Sa presscon para dito, naibahagi ng aktres ang mga pagbabago sa kanyang sarili kung paano hinaharap ang isang breakup o heartache.

“Actually dati hindi ako iyakin pero ngayon mas iyakin na ako eh. Siguro mas inaaccept ko na sa sarili ko makaramdam na masaktan ako. Kasi dati pinipilit ko lagi, ‘Okay lang ako, okay lang ako’ but it’s better to feel that sometimes,” pahayag ni Yassi noong Martes, September 18.

Sa telebisyon naman, si Yassi bilang Alyanna ng inspirasyon ni Cardo Dalisay sa top rating Kapamilya series na Ang Probinsyano. Kuwento ni Yassi, pinaghahandaan na nila ang isang pasabog sa kanilang viewers sa susunod na linggo.

“Sa ASAP po this Sunday, buong episode po buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya sana panoorin po ninyo,” ani Yassi.

Nagbigay pahayag din ang aktres pagdating sa usapin ng walang katapusan na pag-uugnay kay Yassi sa kanyang leading man na si Coco Martin.

“May love naman po talaga but it’s a different kind of love. Thankfulness, yung ganun na love,” matipid pero sweet na pahayag ng dalaga.

Mapapanuod ang Para sa Broken Hearted simula October 3, sa direksyon ni Digo Riccio.