• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga may buwelta sa CHED: ‘I'm just a recipient of the award’

Daniel Matsunaga may buwelta sa CHED: ‘I'm just a recipient of the award’

Inamin ni Daniel Matsunaga na apektado din ang kanyang pamilya sa naging isyu ng tinanggap na Honorary doctorate degree.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/19/2018 10:12 AM
Daniel Matsunaga may buwelta sa CHED: ‘I'm just a recipient of the award’


Photo credit: @dandanmatsunaga on IG

 

Sa kabila ng mga batikos, wala sa plano ngayon ng Brazilian-Japanese actor-model na si Daniel Matsunaga ang isauli ang Honorary Doctorate degree na iginawad ng Brethren Evangelical School of Theology (BEST).

 

Isa si Daniel sa 18 na nakatanggap ng Doctor of Humanities Major in Community Services and Development na ibinigay ng BEST na isang religious organization.

"I'm really happy and blessed to have received that award and I will never say or think that I will give the award back. Of course, not. It is a blessing for my life no matter what. It means a lot to me and it means a lot to my family too," pahayag ni Daniel sa PUSH at ABS-CBN News nitong Lunes, September 17.

Aniya, apektado siya sa naging pagkuwestyon ng Commission on Higher Education (CHED) sa kanyang honorary doctorate degree na tinanggap mula sa BEST.

Read: Daniel Matsunaga is now a doctorate degree holder

"Siyempre nalungkot kami, with all the hating and bashing towards me and my family. One thing I have to say is I'm just a recipient of the award," sabi pa ni Daniel.

Ayon sa actor-model, hindi niya hiningi o inasahan ang naging nominasyon na ito na iginawad sa kanya.

"I don't know what are the criteria or anything, but I've been helping in my own ways ...from the bottom of my heart all those charities from different cities in the Philippines. I do it not to tell the public, not to tell everyone ...but unfortunately those bashing happen," tugon pa niya.

"I’m sure, they went to my background, they checked and there was a reason for me receiving the award," pahayag pa niya.

Samantala, sa naging panayam ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News sa BEST founder na si Bishop Ariel P. Coleto, ipinaliwanag nito na isa silang religious organization at walang kinalaman ang CHED sa kanilang iginawad na pagkilala.

“Sa pangyayari na nagkaroon agad ng press release ang CHED, of course, nabigla kami. Unang una 'yung iginawad ng BEST kay Daniel Matsunaga na honorary doctorate degree in the perspective namin as a religious organization,” paliwanag ni BEST founder.

Read: School that gave Daniel Matsunaga’s honorary degree not recognized by CHED 

“Hindi namin ito iginawad bilang course sa kanya. Ito ay award o pagkilala sa kanyang contribution sa kung ano man ang kanyang activities o community services na nagawa," pahayag ni Bishop Coleto.

Sa ngayon, hiling ni Daniel at iba pang recipient ng Honorary Doctorate degree na maging maayos ang gusot sa pagitan ng BEST at ng CHED.