• Home
  • Fresh Scoops
  • Bugoy Drilon, masaya na engaged na ang ex-GF na si Liezel Garcia

Bugoy Drilon, masaya na engaged na ang ex-GF na si Liezel Garcia

Bugoy Drilon on Liezel Garcia’s boyfriend: ‘Nagkakilala sila ni Liezel dahil sa akin.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/19/2018 8:18 AM
Bugoy Drilon, masaya na engaged na ang ex-GF na si Liezel Garcia


Photo credit: @liezelgarcia (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni Bugoy Drilon ang reaksyon niya nang malaman niya na engaged na ang ex-girlfriend niyang si Liezel Garcia. “Shocked po ako e. Naiyak po ako nung nagkita kami kasi sinabi niya engaged…”

Nakilala din daw ni Liezel ang boyfriend na si Justin sa pamamagitan ni Bugoy. “Na-meet ko si Justin through Instagram, kasi nilike niya yung video ko na kumakanta. Finollow niya ako so finollow ko din siya. Dun nag-start yung conversation.”

Pagpapatuloy ng kwento ni Bugoy, “Si Liezel kasi parati kong pinu-post sa Instagram ko. (So sabi ni Justin) Bro, can I follow this girl? Sabi ko yes why not, there’s no problem.”

Paliwanag ni Bugoy kung bakit siya umiyak nang malaman na engaged na si Liezel at Justin. “Masaya po ako kasi nakita ko talaga si Liezel na she’s very happy. Shocked po ako kasi they’ve been together for two years but one week lang po sila nag-meet in person then engaged na sila.”

Kumusta naman kaya ang lagay ng puso ni Bugoy? Aniya, “I’m not ready to have a relationship.” At sa ngayon daw nakikipag-usap lang siya at matatawag niya itong, “long-distance friendship.”