Reunion prod number ni Ogie, Jaya at Janno posible ba?

Ngayong nasa Star Music na si Janno Gibbs, posible bang mapanood siya sa isang prod number kasama sina Ogie Alcasid at Jaya?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/18/2018 8:33 AM
Reunion prod number ni Ogie, Jaya at Janno posible ba?


Photo credit: @jaya on IG (L)

 

Bagong recording artist ng Star Music si Janno Gibbs na pumirma ng kontrata noong Biyernes September 14.

Pasabog agad ang unang music single na nai record ni Janno na “Felling JKL” na para sa nangungunang love teams ng bansa sa ngayon.

Napapanahon na at right timing din ang pagbabalik ni Janno sa pag kanta ma matagal rin pinag isipan.

"I'm in this point in my career na kailangan ko naman to shake things up, you know fresh. Medyo naging comfortable ako lately so I need to shake things up,"  sabi pa ng singer.

At ngayong nasa Star Music na , isa sa nilu-look forward ni Janno ang muling makapag-perform kasama ang mga kaibigan na sina Ogie Alcasid at Jaya. Matatandaang nakasama ni Janno ang dalawa bilang dating hosts sa isang variety show sa kabilang network. 

"Si Ogie nakasama ko sa mga guesting, si Jaya I've seen her here (ABS-CBN). I missed them. 'Pag nagkakausap kami over the phone, kahit sila nag po-post na we miss working together. More than 10 years kami magkakasama so ayun, iba ang friendship kasi magka-kaibigan kami. Pero 'yung working together we miss that of course," sabi pa ni Janno.

Una nang napanood sa telerseryeng FPJ's Ang Probinsyano si Janno at bukas ang kanyang options na muling umarte sa isang teleserye o pelikula.