Nathalie Hart dalawang beses magpapakasal

Sinabi ni Nathalie Hart na may balak silang magpakasal ng kanyang fiance na si Manyank Sharma sa Australia at India.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/18/2018 4:50 PM
Nathalie Hart dalawang beses magpapakasal


 

Kahit five-months pregnant ay very sexy pa din ang isa sa lead stars ng Abay Babes na si Nathalie Hart nang rumampa ito kagabi sa red carpet premiere ng pelikula.

Blooming at in love si Nathalie kasama ang Indian national na fiancé nito na si Mayank Sharma at kapatid niyang si Kenneth Snell.

“I hope ma-enjoy nila ang pelikula. I hope they can enjoy the film,” bungad ni Nathalie sa ambush interview ng press sa kanya.

READ: Nathalie Hart recalls the time she learned that she was pregnant 

Terno ng kanyang makinang na damit, ang engagement ring na simbolo ng kanilang pagmamahalan ni Mayank.

“Thank you so much, I know right! She’s very beautiful,” tugon ni Mayank.

Dito, ibinunyag din ng magkasintahan ang planong kasal nila sa Australia at traditional Indian wedding sa India.

“Yes a four day wedding, a lot of fun, a lot of drinks and a lot of dancing. It’s a long long celebration,” kuwento ni Mayank tungkol sa Indian wedding.

“In Australia, it’s gonna be family thing, because I’m giving birth by January. So it’s gonna be fun, it’s gonna be intimate but, it’s not like partying, just simple,” tugon naman ni Nathalie tungkol sa isa pa nilang wedding ceremony.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My baby

A post shared by Nathalie Hart (@imnathaliehart) on

 

WATCH: Natalie Hart explains why she wants to have a private wedding 

Mapapanood ang Abay Babes sa mga sinehan ngayong September 19.