• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging ex-boyfriend mo ba si Kean Cipriano? Alex Gonzaga reacts

Naging ex-boyfriend mo ba si Kean Cipriano? Alex Gonzaga reacts

Alex Gonzaga clarifies the real score between her and singer Kean Cipriano before.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/18/2018 7:23 PM
Naging ex-boyfriend mo ba si Kean Cipriano? Alex Gonzaga reacts


Photo credits to @kean IG (R) @cathygonzaga (L)

 

Matagal-tagal na rin tinutukso ang I Can See Your Voice PH singvestigators na sina Alex Gonzaga at Kean Cipriano dahil sa kanilang di umanong nakaraan. Ngunit, naging agam-agam din kung totoo nga bang naging sila.

Sa panayam ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka lead star sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw niyang hindi niya nakarelasyon ang Callalily vocalist.

"Grabe talaga kayo, makapagpa-isyu talaga. May asawa na 'yung tao," ani Alex.

Dagdag pa niya, “Friends naman kami. Actually si Kean, nakita ko talaga 'yung growth niya as a person, lalo na nung nag-asawa siya.”

"Kasi sa totoo lang, hindi sila naniniwala pero hindi ko talaga ex si Kean. Hindi talaga. Hindi siya part ng libro ko, wala talaga. Dumating siya ng parang biruan. Pero hindi siya dumating na parang seryoso, kaya puwede kaming maging magkaibigan kasi hindi naman namin nasaktan ang isa't isa."

Kasal na ngayon si Kean kay Chynna Ortaleza samantalang masaya naman si Alex ngayon sa non-showbiz boyfriend niyang si Mikee Morada.