• Home
  • Fresh Scoops
  • Monsour del Rosario maintains friendship with ex-girlfriends Dawn Zulueta and Agot Isidro

Monsour del Rosario maintains friendship with ex-girlfriends Dawn Zulueta and Agot Isidro

Wala naman daw issue sa pagitan nina Monsour del Rosario at ang kayang mga ex-girlfriends na sina Dawn Zulueta and Agot Isidro.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/18/2018 10:24 AM
Monsour del Rosario maintains friendship with ex-girlfriends Dawn Zulueta and Agot Isidro


Photo credit: @agotisidro (R)/ @dawnzulueta (L) on IG

 

Dalawa sa sikat na showbiz personalities na naging girlfriend noon ng taekwondo champion at Makati congressman na si Monsour del Rosario ay sina Dawn Zulueta at Agot Isidro. Ayon sa aktor na nagbabalik-pelikula via The Trigonal, okey naman sila hanggang ngayon nina Dawn at Agot.

“’Yung dalawang anak ni Dawn, estudyante ko sa taekwondo. Nung maliit sila, panay ang practice nila sa gym ko noon, nun’g busy pa ako magturo,” kuwento ni Monsour.

“Last time ko siyang nakita, I think mga three years ago sa Svenson kasi nagpapa-treat (sa hair) siya don, nagpapa-treat din ako do’n.

“Ang nakikita ko si Anton (Lagdameo, Dawn’s husband), nandon sa Congress, nagkwentuhan kami. Si Anton kasi mas una kong nakilala kesa kay Dawn. Grade 7 pa lang si Anton kaibigan ko na. Hindi pa ako artista kaibigan ko na si Anton.

“Wala kaming problema ni Dawn. Two years din kami. Si Agot (Isidro) ang five years (na karelasyon),” patuloy niyang kuwento.

Dagdag pa niya, they remain friends daw kahit natapos na ang kanilang relasyon noon.

Aniya, “Yeah, wala akong problema. Ang mga kapatid ni Agot, sila ang mas madalas kong ka-chat. Tuwing birthday ni Agot, gini-greet ko siya ng happy birthday.

“Si Dawn, ganun din. Wala naman akong kwan, eh. Hindi naman kami nagka-onsehan.”

Happy rin daw siya para kay Agot na naka-move on na ito sa separation sa asawa.

“Hindi kami nag-uusap, hindi kami nagkikita, eh. Happy lang ako na nag-move on siya sa buhay niya after ma-separate siya sa asawa niya,” samit pa niya.

Eh, anong reaksyon niya na may mga kumukumbinsi kay Agot na tumakbo sa Senado under the Liberal Party?

“Okay lang,” nakangiti niyang reaksyon. “But knowing Agot, I don’t think she will accept because I know, she doesn’t like politics. If I know of her ha, 20 years ago nung kami pa,” hirit pa ni Monsour.

Si Agot ay very vocal sa pagiging anti-Duterte samantalang si Monsour ay avid supporter naman ng pangulo.

“Okay lang, eh, personal opinion niya ‘yun. No problem. I respect that. The same way na some friends of mine, family members, we don’t see eye to eye, I respect that, for as long as they respect me. Wala lang pilitan.

“Basta I don’t force you, you don’t force me, we’re fine, we won’t fight,” katwiran pa niya.

Palabas na ang The Trigonal sa Sepember. 26. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Ian Ignacio under the direction of Vincent Soberano.