• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Direk Topel Lee, tagumpay bilang comedy director sa ‘The Hopeful Romantic’ nina Pepe Herrera at Ritz Azul

EXCLUSIVE: Direk Topel Lee, tagumpay bilang comedy director sa ‘The Hopeful Romantic’ nina Pepe Herrera at Ritz Azul

Proud din si Topel Lee na siya ang nagging director nina Pepe Herrera at Ritz Azul sa kanilang first lead movie roles.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/18/2018 10:34 AM
EXCLUSIVE: Direk Topel Lee, tagumpay bilang comedy director sa ‘The Hopeful Romantic’ nina Pepe Herrera at Ritz Azul


 

Bago umalis sa Trinoma Cinema 5 after the celebrity premiere ng pelikulang The Hopeful Romantic ay nakausap muna ng PUSH ang direktor ng Pepe Herrera at Ritz Azul movie na si Direk Topel Lee. Ayon sa kanya, masaya siya sa naging pagtanggap ng audience sa kanyang pelikula.

“Ang saya nga, eh. Actually, sinasabi ko sa kanila, may mga naputol pang scenes kasi dahil sa MTRCB may tinanggal kaming scene na parang nagsunog siya ng pera, pero bawal pala yon.

“And then, yung kay Ms. Beverly (Salviejo), mahaba pa yon, eh. Nakakatawa yon kaya lang binawasan namin para makakuha kami ng rating na PG,” kuwento niya sa amin.

Wala rin daw siyang gustong patunayan sa Regal Entertainment movie. Plain entertainment lang daw ang goal niya habang ginagawa ang The Hopeful Romantic.

“Ito kasing movie namin parang classic, eh, traditional slapstick, eh. Actually, nakalimutan na kasi natin yung slapstick or traditional, dito parang naibalik namin ng konti.

“Yung kina Empoy (Marquez) kasi, parang may pagka-millennial approach na, eh. Ito yung back to basics, simpleng happy lang, madaling matawa.

“Ang iniisip lang naman namin nung ginagawa ito is gusto mo lang tumawa, magpapatawa lang tayo. Kinakabahan nga kami kasi, ‘luma na ba yung mga patawa natin?’ Pero hindi naman kasi lahat kami tumatawa sa set, eh. So, ibig sabihin, nagwo-work pa,” paliwang ng direktor.

Dagdag pa niya, “Ang gusto kasi namin light lang lahat kahit na naglolokohan sila. Sabi ko, dapat light lang yung atake ng mga actors. So, nag-work naman. Very happy ako sa performance ng lahat ng actors ko.

“Actually, first time kasi ni Pepe na mag-lead. Para sa kanya talaga itong movie kasi wala rin kaming maisip na match sa kanya, kasi si Ritz nakakahawa yung tawa niya, so konting bato lang ni Pepe ang bilis naming ma-attract sa kanya kasi nakakahawa yung tawa niya. Iba yung charm niya, so parang match sila talaga, eh,” pagmamalaki pa niya tungkol sa bida ng The Hopeful Romantic.

Dahil first lead role nina Ritz at Pepe ang pelikula, proud din si Direk Topel na siya ang nagdirek and hopefully daw saya ay maging big movie stars ang dalawa in the future.

“Oo nga, bagong love team. So, hopefully sana masundan. Si Pepe, ang alam ko may mga parating siyang bagong movies, eh. So, hopefully makagawa ulit kami ng comedy. At least, iba naman, di ba?” huling pahayag niya sa PUSH.