• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga on boyfriend: ‘I found a man na naiintindihan yung dynamics namin as a family’

Alex Gonzaga on boyfriend: ‘I found a man na naiintindihan yung dynamics namin as a family’

Alex Gonzaga, mas naging close sa pamilya dahil sa boyfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/18/2018 8:55 AM
Alex Gonzaga on boyfriend: ‘I found a man na naiintindihan yung dynamics namin as a family’


Photo credit: @panganitin on IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ni Alex Gonzaga kung papaano ang relationship nila ng kanyang boyfriend na si Mikee Morada. “We let each other do our thing. Dun naman talaga tayo papunta. At least nagawa natin ang mga gusto natin and we are individually whole happy before we finally …” 

Nang tanungin kung napag-uusapan nila ang marriage, ani Alex ang sinasabi niya sa mga tao ay, “sooner but not later.” 

Ang best quality naman daw ni Mikee ay, “he’s like my Dad. Very family man. Hindi umiinom. Pa-involve din siya. Hindi siya nangingialam pero gusto niya alam niya yung nangyayari sa buhay.”

Mas naging close din daw si Alex sa pamilya niya dahil kay Mikee. “Because of Mikee mas napapamahal ako sa family ko… yung na-appreciate ko talaga sila.”

Dagdag pa niya, “finally I found a man na naiintindihan yung dynamics namin as a family kasi ganun din naman siya.”

Sa Shout Out segment ng show, ang shout out ni Alex sa puso niya ay, “you are happy.”