• Home
  • Fresh Scoops
  • Kesha Ramachandran takes home Mutya ng Pilipinas’ Tourism Queen of the Year International crown

Kesha Ramachandran takes home Mutya ng Pilipinas’ Tourism Queen of the Year International crown

Mas espesyal ang katatapos lang na Mutya ng Pilipinas dahil sa kanilang 50th Anniversary.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/17/2018 8:21 AM
Kesha Ramachandran takes home Mutya ng Pilipinas’ Tourism Queen of the Year International crown


Photo credit: @mutya_ng_pilipinas IG

 

Kinoronahan nitong Linggo ng gabi sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang mga bagong reyna ng Mutya ng Pilipinas.Espesyal ang naging edisyon ng prestihiyosong Pinay beauty search kasabay ng kanilang ika-limampung taon na pagbibigay pagkilala sa pang International na ganda ng Pinay.

Mula limampu, nakilala ang apat na kandidata bilang mga bagong kinatawan ng Pilipinas sa Tourism Queen of the Year International, Global Beauty Queen, Tourism International at Asia Pacific International.

 

Narito ang mga kandidatang nagwagi sa Mutya ng Pilipinas Gold:

Kesha Ramachandran Mutya ng Pilipinas-Tourism Queen of the Year International 2018.

Pauline Amelinclx Mutya ng Pilipinas-Global Beauty Queen 2018.

Aya Fernandez Mutya ng Pilipinas-Tourism International 2018.

at Sharifa Akeel Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International 2018.

Itinanghal naman nilang first runner up si Mary Justine Teng at second runner up si Kristine Micah Malicsi.

Mutya ng Pilipinas - Overseas Community 2018 naman si Jade Roberts.