• Home
  • Fresh Scoops
  • CJ Ramos, Rhed Bustamante at iba pa nagkwento tungkol sa kabaitan ni Coco Martin

CJ Ramos, Rhed Bustamante at iba pa nagkwento tungkol sa kabaitan ni Coco Martin

Ilang artista ang nagpasalamat kay Coco Martin sa pagbibigay niya ng pangalawang pagkakataon sa kanila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/17/2018 9:15 AM
CJ Ramos, Rhed Bustamante at iba pa nagkwento tungkol sa kabaitan ni Coco Martin


 
Sa ulat mula sa Rated K, ilan lang sina Mark Anthony Fernandez, Whitney Tyson, CJ Ramos At Rhed Bustamante sa mga natulungang artista ni Coco Martin nang bigyan niya sila ng role sa top rating na teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.
 
Ani Mark nabigyan siya ng importanteng role ni Coco kahit kontrabida. “Kontrabida role ko dun, alam mo yun malaking, markado siya, at saka (Ang) Probinsyano e.”
 
Pagpapatunay naman ni Whitney sa kabaitan ni Coco, “Kung anong food niya, food din namin.” 
 
Si Rhed naman sinabi na gumaganda na ang estado ng buhay niya at ng pamilya niya matapos siyang kunin ni Coco para sa teleserye. Kamakailan lang ay ipinakita din sa Rated K ang sinapit ng child star nang siya’y mawalan na ng trabaho sa showbiz.  
 
 
“Sobrang saya. Tapos lahat po parang maganda na ngayon. Umu-okay na po siya,” kwento ni Rhed.  
 
Si CJ naman na kailan lang ay nakulong dahil sa pag gamit ng ilegal na droga, ay very thankful sa binigay ni Coco na pangalawang pagkakataon para magbago.  “Pakiramdam ko napaka-swerte kong tao. Parang naligtas ako sa dati kong gawain,” ani ng dating child actor.  
 

Lahat ng pagtulong na  ito ay pagbabalik lang daw ni Coco ng tinatamasa niyang swerte o reward ngayon sa buhay. “Nagbabalik tanaw ako. Wala namang taong nagbibigay sa akin ng pera. Ang binigay sa akin opportunity. Bakit hindi mo bigyan ng pangalawang opportunity para alam mo yun makatulong siya sa pamilya niya at magkaron siya ng sarili niyang direksyon sa buhay.”