• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryza Cenon, nagpasalamat sa kanyang nanay-nanayan na si Dawn Zulueta

Ryza Cenon, nagpasalamat sa kanyang nanay-nanayan na si Dawn Zulueta

Sa pagtatapos ng kanyang karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, nagpasalamat si Ryza Cenon sa tinuring na niyang ina na si Dawn Zulueta.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/16/2018 11:11 AM
Ryza Cenon, nagpasalamat sa kanyang nanay-nanayan na si Dawn Zulueta


Photo credit to: @iamryzacenon IG

 

Sa instagram post ng Kapamilya star na si Ryza Cenon, ibinahagi niya ang pasasalamat kay Dawn Zulueta na tinuring na niyang ina sa kanilang teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ay matapos mamatay ang karakter ni Dawn na si Marissa Hidalgo, ang ina ng karakter ni Ryza na si Aubrey Hidalgo.

 

 

Sabi ni Ryza sa post, “Gusto ko po sana magpasalamat sa inyo nanay @dawnzulueta😘 Salamat po sa lahat ng mga bilin nyo po sakin tungkol sa buhay buhay saka sa trabaho marami po akong natutunan, babaonin ko po lagi yun. Isa po kayong inspirasyon sa buhay ko."

Ayon kay Ryza, gusto niya makatrabaho si Dawn sa mga susunod nitong proyekto. 

"Sana makatrabaho ko po kayo ulit. Mamimiss ko po kayo pati ang team nyo.😬🙈 Mahal ko po kayo nay. Kay @ramos_heart30 & @francisthe79th mamimiss ko kayo mga suki hahahaha ang umuubos ng paninda (baon na pagkain) ko sa taping. I love you guys!!!

Maalalang nagsimulang maging guest actress si Ryza Cenon noong Mayo, bilang isa sa mga anak ng pamilya Hidalgo na umuwi galing sa ibang bansa. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is how we roll! 😬❤️ #fpjsangprobinsyano #hidalgofamily #firstfamily

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

Mapapanuod ang FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyerenes sa ABS-CBN Primetime.