• Home
  • Fresh Scoops
  • Rhian Ramos, aminadong di nakapag-training para sa kanyang action movie

Rhian Ramos, aminadong di nakapag-training para sa kanyang action movie

Na-conscious daw si Rhian Ramos dahil sa mga co-stars na panay martial arts experts.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/16/2018 10:58 AM
Rhian Ramos, aminadong di nakapag-training para sa kanyang action movie


Photo credit to: @whianwamos IG

 

Wala si Rhian Ramos sa grand presscon ng Pinoy action film na The Trigonal pero present naman siya sa pocket presscon ni Monsour del Rosario, isa sa cast ng pelikula.

Doon namin siya nakausap kasama ng ilang entertainment press na malapit kay Monsour.

Pangatlong action film na ni Rhian ang The Trigonal. Ang dalawa pa ay ang Panday at ang Tres na ipapalabas pa lang.

Sa The Trigonal, aminado ang dalaga na hindi talaga siya nakapag-training.

Aniya, “No, not that much. Beforehand, I had one really long action sequence that I am proud of. Tapos lahat ng mga co-stars ko, tinuturuan ako, kasi everyone on the set is a real fighter.”

Hindi rin daw maiwasang ma-conscious siya sa mga co-stars like Monsour, Sara Chang at bida ng pelikulang si Ian Ignacio na puro martial arts expert.

“Medyo naka-concious din ako na sila ang mga nakakasama ko,” pag-amin pa niya. “Pero nakakatuwa din yung pag-support nila sa akin na kahit hindi sila kasama sa eksena, nandun sila sa set tapos tinuturuan nila ako.”

Na-enjoy din daw niya ang mga action scenes.

“Na-enjoy ko, eh. Para siyang, there’s something about it that’s acting and dancing at the same time,” kuwento niya.

Hindi nasaktan o nagalusan si Rhian sa mga action scenes nito, pero may nasaktan siyang kasamahan sa set.

Sabi ni Rhian, “I think I accidentally hit someone. One of the stuntmen, but he forgave me right away. Kailangan lang niyang mag-recover for a second. But they're all very nice and professional.”

Eh, kumusta namang katrabaho ang magagaling na martial arts champions?

“Well, they're all so experienced in fighting, they compete even. So yun nga, on one hand nakaka-concious siya. 

“Hindi naman ako talaga action star and never din naman ako nag-martial arts. They were very patient with me though. They would take extra time pagka-afternoon at pag wala muna akong sequence that day, ini-schedule na nila ako ng konting training, ganun.

“And yun nga, they're very helpful pagdating sa eksena ko mismo, teaching me the proper form and how to look legit,” pahayag pa niya.

The Trigonal is under the direction of Vince Soberano na bukod sa pagiging filmmaker ay isa ring martial arts champion and teacher.