• Home
  • Fresh Scoops
  • Mystica, malaki ang pasasalamat kay Coco Martin sa kanyang pagbabalik showbiz

Mystica, malaki ang pasasalamat kay Coco Martin sa kanyang pagbabalik showbiz

Mga selfie kasama ang ‘Ang Probinsyano’ stars ibinida ni Mystica

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/16/2018 10:40 AM
Mystica, malaki ang pasasalamat kay Coco Martin sa kanyang pagbabalik showbiz


Photo credit to: Ruby Villanueva on Facebook

 

Masayang ibinahagi ng tinaguriang ‘90s “Split Queen” na si Mystica ang kanyang muling pagbabalik showbiz.

Sa bagong Facebook post ni Mystica nitong Sabado ng gabi, September 15, ibinida niya ang kanyang mga larawana kasama ang ilan sa mga cast ng Kapamilya primetime series na Ang Probinsyano.

 

Pinasalamatan niyang muli si Coco Martin dahil sa tulong at pagkakataon na ibinigay nito para sa kanya.

“My sincere thanks to Coco Martin for granting my wish to join the prime time TV show Ang Probinsyano. Hindi lang po ako ang tinulungan niya, kundi tinulungan na rin po niyang isama ang aking asawa na si Troy Montez aka Kid Lopez,” pahayag pa ni Mystica sa kanyang post.

Matatandaan na kamakailan, naiulat ng PUSH ang naging panawagan ni Mystica kung saan humiling ito kay Coco na mabigyan siya nito ng pagkakataon na makabalik pag aartista.

Read: 'Split Queen' na si Mystica, nanawagan kay Coco Martin para tulungan siya

Sa ngayon, wala pang eksaktong detalye kung ano ang magiging role ni Mystica sa hit Kapamilya series.