• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Sharon Cuneta at Richard Gomez naka-bonding na si Kathryn Bernardo

LOOK: Sharon Cuneta at Richard Gomez naka-bonding na si Kathryn Bernardo

Tuloy na tuloy na ang Sharon Cuneta-Richard Gomez reunion movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/15/2018 12:16 PM
LOOK: Sharon Cuneta at Richard Gomez naka-bonding na si Kathryn Bernardo


 

Sa kabila ng masamang panahon, sumalang na sa look test sina Megastar Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez bilang paghahanda sa kanilang reunion movie project na Three Words To Forever.

Ito ang muling pagbabalik tambalan sa pelikula nina Sharon at Richard matapos ang labinlimang taon na mas espesyal pa ngayon dahil makakasama si Kathryn Bernardo.

Sa social media post ng Sharon Cuneta Network, ibinahagi na nito ang ilang update sa inaabangan na pelikula.

Samantala, sa naging panayam ni Vice Ganda kay Sharon sa two-part episode ng Gandang Gabi Vice nitong nakarang Linggo, September 2, inamin niya ang magkahalong emosyon na kanyang nararamdaman sa kanilang balik tambalan ni Goma.

“I have to admit I’m a little nervous kasi we’re going to do movie together, e fifteen years na yung dumaan since yung huling movie namin together,” sabi ni Sharon sa GGV guesting niya.

“Syempre, we’ve changed so much as individuals. I might be a different person now. We’re both married to our respective spouses for over two decades, baka parang iba na din yung pagkatao ko, pagkatao niya tapos magsasama kami ulit sa pelikula,” pahayag pa niya.

Bukod kay Goma excited din daw si Megastar kay Kathryn Bernardo na first time niya makakasama.

“Wala akong naririnig about her (Kathryn Bernardo) kundi magaganda napakabait daw na bata, kita naman so parang mamahalin ko rin ito,” pahayag ni Sharon sa naging panayam ng PUSH sa intimate press con para sa kanyang concert.

Bago ang pekikula, pinaghahandaan muna ni Sharon ang kanyang Sharon My 40 years sa Araneta Coliseum sa darating na September 22.

Inaasahan na ipapalabas ang Three Words To Forever bago magtapos ang 2018 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.